Katutubong Dumagat (Photo by Ronda Balita) by Nimfa Estrellado Ayon sa mga katutubong Dumagat ang ipinanukalang proyekto na pinopond...
Katutubong Dumagat (Photo by Ronda Balita) |
by Nimfa Estrellado
Ayon sa mga katutubong Dumagat ang ipinanukalang proyekto na pinopondohan ng China ay sisirain lang ang kanilang kapaligiran at buong paraan ng pamumuhay. Ang mga katutbo ay naghahanap ng pagkain doon sa ilog ng mga tribo na kung saan ay sinasabing nanganganib sa pagtatayo ng isang dam sa hilagang lalawigan ng Quezon.
Ang mga katutubo ay matiyagang nakinig habang ang isang pari ng Katoliko ay nangaral patungkol sa pag-ibig ng Diyos at ang hamon upang ipagtanggol ang kanyang mga nilikha sa isinagawang misa ng pagdiriwang ng Holy Week ng nakaraang buwan.
Ang pagdiriwang ay ginanap sa mga hinterlands ng lalawigan ng Quezon, sa tahanan ng tribong Dumagat na ang komunidad ay nanganganib sa iminungkahing pagtatayo ng isang malaking dam.
“Mahal tayo ng Diyos, at umaasa tayo na ang lahat ng ating mga pangangailangan ay ipagkakaloob ayon sa kanyang plano,” pangaral na pari ng Franciscan na si Pete Montallana, pinuno ng Save Sierra Madre Network Alliance.
Ang pari, na naninirahan kasama ng mga tribo sa loob ng 30 taon, ang pag-aalaga sa kapaligiran ay aniya isang patuloy na hamon para sa lahat. Sinabi niya na ang pagtatayo ng isang dam ay hindi lamang isang banta sa tribo ngunit din sa mga nilikha ng Diyos.
Sumang-ayon ang mga pinuno ng tribo sa pari. Natatakot sila sa isang dam na magreresulta sa pangaalipusta sa kanilang lupain, kanilang ilog at kanilang mga kagubatan.
Itinutulak ng gubyerno ang pagtatayo ng $226.4 milyon na New Centennial Water Source-Kaliwa Dam Project, na nasa pipeline ng tatlong dekada, ay sinasabing tutugon ang maraming problema, kabilang ang krisis sa tubig na nararanasan ng 12 milyon mga residente ng kabisera ng Metro Manila.
Hanggang sa 85 porsiyento ng proyekto ay pinopondohan ng Tsina sa pamamagitan ng official development assistance. Ang natitira ay dapat na balikan ng pamahalaan ng Pilipinas sa pamamagitan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System.
Ang China Energy Engineering Corporation ay magtatayo ng dam sa mga bayan ng General Nakar at Infanta sa lalawigan ng Quezon. Inaasahan na matustusan ang 600 milyong litro ng tubig kada araw sa Maynila.
Ang kontrata sa China ay nalagadaan nung bumisita ni Pangulong Xi Jinping sa Maynila noong 2018. Kung ang konstruksiyon ay magpapatuloy sa taong ito, ang dam ay inaasahang matatapos sa taong 2023.
Gayunpaman, sinabi ng mga katutubo na hindi nila alam ang tungkol sa proyektong ito. “Hindi ito lubos na pinaalam sa amin, ngunit alam namin na magiging mapaminsala ito sa aming komunidad,” sabi ni Krisanto, ang tribal na pinuno ng Yokyok, isang nayon na nasa tabi ng ilog ng Agos River, na kung saan ay pagtatayuan ng dam.
Ang mga mamamayan ng Dumagat, na naninirahan sa mga kabundukan ng mga lalawigan ng Aurora, Rizal at Quezon sa hilagang rehiyon ng Luzon, ay umaasa sa kanilang mga kagubatan at mga ilog upang mabuhay, upang maahatid ang kanilang ani, karamihan sa mga saging, honey at dagta ng kahoy sa merkado.
Kapag maganda ang panahon, nakakakuha sila ng mga isda, eels at shrimps sa kanilang mga ilog na ipinapalit nila para sa bigas sa merkado. Tinturing nila ang kanilang mga ilog bilang sagrado at pagkakaroon ng mga kapangyarihan magpagaling.
“Kung masisira ang kalikasan, hindi tayo makakain, mabubuhay at makakahinga,” sabi ni Rodrigo, isa pang pinuno ng tribo. “Makakatagal lamang kami hangga’t mayroon kami ng aming mga lupain.”
Ang mga tao sa tribu ay pinayuhan upang panatilihin ang kanilang distansya mula sa ilog kapag nagsimula ang proyekto ng dam. Bagaman ipinangako sa kanila na muling paglipat sa iba pang mga lugar, natatakot sila na ang mga lugar na ito ay maaaring hindi angkop sa kanilang mga pangangailangan.
Ipinangako din ng mga awtoridad na mabibigyan sila ng mga trabaho, ngunit ito ay kinontra ng mga taga tribo anila wala silang alam sa pagtatayo ng dam.
Ang mga pinuno ng tribu ay nanumpa na patuloy nilang sasalungatin ang proyektong ito, ngunit natatakot din sila na ang kanilang mga tao ay magpapatalo sa presyur ng pamahalaan.
Anila ang mga sulat na nag-iimbita sa kanila sa mga dialogo ay nakasulat sa Ingles at hindi nila maintindihan ang mga ito.”
“Pinagtatanggol namin ang proyekto para sa aming mga kabataan,” sabi ni Amy, isa pang nakakatanda na tribal. “Ito ang magiging katapusan ng aming pamilya kung hindi kami gumawa ng mga hakbang upang tutulan ito.”
“Hangga’t may dahilan upang labanan, at hangga’t may mga tao at mga institusyon na sumusuporta sa amin, patuloy tayong makipaglaban para sa ating ilog,” idinagdag ng isa pang elder.
Noong nakaraang taon, 51 mga obispo ng Katoliko at apat na pari ang nagtaguyod ng pastoral letter na pinirmahan ni Bishop Bernardino Cortez ng Infanta na kinukondena ang pagtatayo ng dam.
Sabi sa liham ng pastoral na habang ang proyekto ng dam ay magbibigay ng sapat na supply ng tubig para sa mga tao sa Maynila, ito rin ay isang magiging dagok para sa mga tribo.
Ang mga isyu na itinataas ng mga pinuno ng simbahan ay ang pagbaha ng mga komunidad ng tribo at posibleng mga kalamidad na maaaring sanhi ng isang lindol dahil ang ipinanukalang dam ay mailalagay sa fault line.
Ang mga obispo ay inulit ang sinabi ni Pope Francis, na nagbabala: “Caring for the ecosystems demands farsightedness, since no one looking for quick and easy profit is truly interested in their preservation.”