Nasa larawan ang mga trainors & Quezon Media practitioners, sa isinagawang Gender Sensitivity Training for Media na ginanap sa Philipp...
LUNGSOD NG LUCENA, Quezon – Kamakailan ay nagsagawa ng Gender Sensitivity Training for Media and PSA staff ang Provincial Gender and Development sa ilalim ng tanggapan ni Quezon Governor at Congressman – elect David “Jayjay” Suarez sa pakikipagtulungan ng Philippine Information Agency na pinangunahan ni Mr. Joselito “Lito” Giron - Provincial Manager, PIA-Quezon.
Sa nasabing GST for media ay ipinaliwanang ni Ms. Shannen A. Tierra at ipinaliwanag nya ang kahalagahan ng Gender Equality dahil hindi umano pinag-uusapan ang kalakasan kundi ang pagkakapantay-pantay sa buhay ng bawat magkaibang indibidual.Aniya, itinaas pa ang ganitong kamalayan sa Philippine Commission for Women na bagaman mahirap baguhin ang kultura ay kailangan kayanin ito. Ito aniya ay isang Worldwide Advocacy at umaasa umano ang lahat na tuluyan ng mawala ang Gender Biases sa lipunan upang matiyak ang pagpapatibay ng pundasyon ng women empowerment.
Nanawagan din itong si Ms. Tierra na sa mga itinadhana ng Code and Ethics ng Media ay maisulong ang Gender Care Media sa ngalan ng responsableng pamamahayag at dito nga ay mas higit pang mauunawaan na ang sex ay kasarian at ang gender ay pangkasarian.
Tinalakay naman ni Ms. Daira Jenovaña ang SOGIE Equality Bill (The Anti-Discrimination Bill) na kasalukuyang isinusulong sa 17th Congress kung saan ang pagkilala sa LGBT community ay lalo pang kilalanin sa lipunan. Aniya, noon ay sinasabi na ang pagiging homosexual ay isang poor mental health at noong 1973 makalipas ang apatnaput-apat (44 years) na taon ay tinaggal sa lipunan na ang homosexuality ay isang poor mental health.
Ang kawalan umano ng panlipunang pagtanggap (Lack of social acceptance) at ang diskriminasyon sa pamilya at sa pagawaan ay ilan lamang sa mga nararanasan ng LBGT. Meron din umanong 164 recorded case ng hate crimes laban sa LGBT ayon sa report ng human rights group kaya may panawagan ika nya na dapat ay maging gender sensitive at irespeto ang LGBT “Avoid sexiest language” ito ang isa sa mga highlights sa mga tinalakay ni Ms. Airra Davila at iwasan o alisin umano ang paggamit ng salitang magbibigay ng pagkakataon sa babae man o lalake na naging invisible at ang salitang nagti-trivialized sa babae at lalake at dapat din umanong alisin o iwasan.
Samantala, tinalakay din sa GST for Media ang patungkol sa male oppression at ang gender biases against man at dito ay ipinaliwanag ang tungkol sa “inherently aggressive and violet at ang “incapability” of expressing human emotions ng mga lalake.” Sa huli ay tinalakay ng ibang trainor ang batas laban sa karahasan sa kababaihan at kabataan o VAWC at ang vision ng PGAD na ang paglaya sa lahat ng karahasan ang pagkakaroon ng economic independence at economic opportunities, shared parenting, shared housework, shared breadwinning at freedom from harassment. Ayon pa sa PGAD “Ang lipunan ay ikaw at ako” and “The cause of women is the cause of humankind”
Sa pagtatapos ng Gender Sensitivity Training for Media ay binigyang pagkilala ni G. Joselito “Lito” Giron ang mga resource speakers/ trainors at sina Ms. Ofelia M. Palayan – Provl. Dept. Head, PGAD-Quezon at si Ms. Airene A. Pucyutan – Provl. Statistics Officer, PSA-Quezon.