by Kier Gideon Paolo M. Gapayao June 29, 2019 LUNGSOD NG ANTIPOLO, Rizal, Hunyo 28-- Php 300,000 ang inihandog na pagkilala ng Pamahalaang...
June 29, 2019
LUNGSOD NG ANTIPOLO, Rizal, Hunyo 28-- Php 300,000 ang inihandog na pagkilala ng Pamahalaang Panglungsod ng Antipolo sa tatlong senior citizens na umabot ang edad sa 100 taong gulang. Sumaya ang kaarawan ng naturang mga centenarians nang matanggap ang cash incentive mula sa pamahalaang lungsod at Department of Social Welfare and Development (DSWD) IV-A.
Kinilala ang 3 centenarians na sina Juan Jacob ng Brgy. Mambugan; Romana Cinco ng Brgy. San Luis; at Purificacion Asejo ng Brgy. Mayamot.
Ayons sa R.A. 9994 na pinatibay ng kasunduan sa pagitan ng pamahalaang lokal at pribadong sektor, makakatanggap ng libreng birthday cake ang bawat senior citizens sa Antipolo gayundin ng movie pass para libre silang makapanood sa mga sinehan sa lungsod.
Ayon rin sa R.A. 10868 o Centenarian Act of 2016 nakakatanggap rin ng P100,000 ang sinumang Pilipinong sasapit sa edad na isang-daan taong gulang.
“Belated happy birthday at congratulations po sa mga bagong centenarians natin. Napakapalad po ninyo na mabiyayaan ng mahabang buhay at natatanging lakas ng loob para harapin ang mga pagsubok ng buhay. Ang pagkilala po namin sa inyo at sa mga senior citizens ay higit pa sa tungkulin dahil ito po ay nais naming gawin ng bukal sa loob at buong puso. Inspirasyon po sa aming lahat ang inyong tibay at pagmamahal sa ating lungsod,” pahayag ni Mayor Jun Ynares. (PIA-Rizal, may mga ulat mula kay P. Cabasbas/Antipolo PIO)

No comments