(Gitna) LNB Quezon Chapter President Ex.Officio Board Member Hon. Ireneo ”Boyong” Boongaling, (kanan) Helica Joyce Macalinao Executive Sec...
GUMACA QUEZON – Kung sa ibang panig ng bansa ay nagiging brutal ang ginagawang paglaban ng PDEA at PNP sa mga sindikato ng Illegal na droga, sa bayan ng Gumaca Quezon ay safe at healthy ang ginawang paraan ng mga mamamayan upang ipakita ang paglaban dito.
Kamakailan ay ginanap ang ALAY LAKAD LABAN SA ILLEGAL NA DROGA sa nasabing bayan at dito ay nanguna ang mga Barangay Officials na pinamumunuan ni ABC President Reynante Castillo. Sa nasabing okasyon na dinaluhan ng halos isang libong katao na mula sa iba’t ibang sector ng lipunan ay sinabi ni PPLB President at Ex – Officio Board Member Hon. Ireneo “Boyong” Boongaling na sana at dapat ay wala ng nagdodroga sa mga barangay officials. Aniya, bilang Committee Chairman ng Barangay Affairs sa Sangguniang Panlalawigan ay sinabi ni Bokal Boongaling na “kami ay laban sa droga” at ang Drug Abuse Council ay sumuporta dito.
Ayon kay BM Boongaling, hindi lamang dapat binuo ang Barangay Anti-Drug Abuse Council o BADAC kundi dapat ay nagpa-function at aktibo itong gumaganap laban sa illegal na droga. Maaari din umanong humingi sa kanila ng tulong ang sinumang biktima ng droga upang madala sa rehabilitation center ang mga ito. At kung kinakailangan umano ang kanyang personal na tulong ay ipaabot lamang ito sa kanya sabay pinasalamatan ang mga dumalo at sinabing… “Ang aming puso ay busilak sa lahat ng mga kabarangay, ang hiling ko po ay magtrabaho tayo lahat at tapusin na ang politika at umasa po kayo sa tapat, maka diyos na paglilingkod. Isa sa pangunahing sponsor ng nasabing alay lakad ay ang LDB Foundation.
Samantala hindi nakadalo sa nasabing alay lakad si Usec. Martin Diño – DILG Under Secretary for Barangay Affairs na ayon sa kanyang kinatawan na si Executive Assistant Helica Joyce Macalinao at Chief of Staff Eric Chico ay pinadala ito ni Pangulong Duterte sa Germany upang pag-aralan ang Federalism sa naturang bansa.
Sa mensahe ay sinabi ni EA Joyce Macalinao na bilang isang dating Barangay Chairwoman sa Caloocan City ay hindi problema ang kasarian para maging leader dahil empowered na umano ang mga kababaihan ngayong panahon at lumalabas na at gumaganap sa tungkulin ang mga ito. Aniya, mananatili ang problema ng bansa sa illegal na droga kapag di umano kumilos ang lahat. Katunayan ika nya ay maraming Barangay Officials ang takot labanan and droga dahil hindi nila alam kung sinong kalaban. Ayon kay EA Macalinao sinubok ang kanyang panunungkulan sa kaso ni Kian Delos Santos dahil sa mismong barangay nya umano nangyari ang nasabing pagpatay sa biktima na ng panahon iyon ay bloody o madugo ang paglaban sa droga na involved ang kapulisan na nilinaw naman umano ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi susuportahan ang mga ito kapag nagmalabis ang mga pulis.
Ayon naman kay Quezon Sangguniang Kabataan Federation President Iris Armando na dumalo sa alay lakad ay mahalagang magkaroon ng ganitong gawain ang mga Barangay Officials at Sangguniang Kabataan dahil madalas umano na ang unang nagiging biktima ng illegal na droga ay ang mga kabataan. With reports: Ace Fernandez, Lyndon Gonzales @ la liga pilipinas
No comments