June 6, 2019 LUNGSOD NG BATANGAS - Lumagda sa isang Memorandum of Understanding (MOU) ang pamahalaang lungsod at ang First Gen Power Corp...
June 6, 2019
LUNGSOD NG BATANGAS - Lumagda sa isang Memorandum of Understanding (MOU) ang pamahalaang lungsod at ang First Gen Power Corporation sa paglulunsad ng E-Vehicle Initiative kamakailan.
Ang naturang proyekto ay inisyatibo ng First Gen Renewables Inc., sister company ng First Gas Power Corporation at inaasahang magsisimula ng electric tricycle industry na posibleng isulong na programa ng lokal na pamahalaan para magkaroon ng energy efficient at environment-friendly na mga sasakyan.
Ayon kay Engr. Januario Godoy, pinuno ng City Planning and Development Office, ito ay suporta sa renewable energy program at local climate action plan upang mabawasan ang air pollution at carbon emission ng mga sasakyan.

“Bukod sa mas maliit ang maintenance cost ng e-trike at mas mahaba ang life span kumpara sa mga conventional na tricycle, mas marami ring pasahero ang pwedeng isakay dito. May kaparehong programa din ang Department of Energy (DOE) na maaaring pag-aralan kung pwedeng isama sa local initiative,” dagdag pa ni Godoy.
Bilang pauna,magkakaloob ang First Gen ng limang e-trikes na magsisilbing pilot vehicles ng naturang proyekto.
Magbubuo ng isang Technical Working Group (TWG) na kakatawanin ng Mayor bilang chairman, City Environment and Natural Resources Office, Transportation Development and Regulatory Office (TDRO), City Planning and Development Office (CPDO) at iba pang konsernadong ahensya na siyang magsasagawa ng pananaliksik at pag-aaral para sa feasibility at profitability ng E-Trike. Kasama sa mga pag-aaralan ang ruta, linya at samahan ng mga tricycle operators/ drivers, pamamahala at maging kung saan ang charging station nito.
Inaasahan na sa buwan ng Hunyo ay masisimulan na ang pag-aaral habang ang MOU ay tatagal ng tatlong taon. (BHABY P. DE CASTRO-PIA BATANGAS with reports from PIO Batangas City)