Editorial June 22, 2019 Pumanaw na ang beteranong actor na si Eddie Garcia - na ang tunay na pangalan ay Eduardo Verchez Garcia - sa ed...
June 22, 2019
Pumanaw na ang beteranong actor na si Eddie Garcia - na ang tunay na pangalan ay Eduardo Verchez Garcia - sa edad na 90 noong araw ng Huwebes, June 20. Umano siya’y bumagsak noong Hunyo 8 sa isang taping para sa isang TV series ng GMA Channel 7 at siya’y naging comatose ng halos dalawang linggo.
Isa siyang Bikolano, dating sundalo na nagsilbi bilang isang military policeman sa Okinawa, Japan kasama ang Philippine Scouts pagkatapos ng World War II. Kung hindi nahatak sa pelikula si Eddie Garcia ay malamang mas maaga siyang namatay sa kung saang digmaan para sa bayan at ituturing na isang bayani. Pero ang nangyari ay napasok niya ang industriya ng pelikula at sa mahigit na isangdaang pagganap bilang bida at kontrabida ay tumatak sa kamalayan ng sambayanang tumatangkilik sa pelikulang Pilipino.
Lahat na yatang roles ay nagampanan ni ‘Manoy’, popular na tawag sa kanya, magmula pinuno ng sindikato, pari, bakla, isang karaniwang ama, politiko, mangingibig, komikero at naging katambal niya at napagdirehian bilang direktor ang malalaking pangalan sa pinilakang tabing na gaya nina Fernando Poe, Jr., Dolphy, Joseph Estrada, Vilma Santos, Christopher De Leon, Nora Aunor, at nitong huli ay ang batang actor na si Coco Martin sa teleseryeng Ang Probinsiyano bilang si Don Emilio.
Isang matinik na artista, humakot ng award si Eddie Garcia sa kanyang makatotohanan at pulidong pagganap na ang karamihan ay pagiging kontrabida sa iba’t ibang pelikulang aksiyon na ang di makakalimutan ay iyong mga pinagbidahan ng namayapang action king na si FPJ. Sa FAMAS o Filipino Academy of Movie Arts and Science Awards ay bukod tangi siyang artista na nakamit ang Hall of Fame award bilang Best Actor, Best Supporting Actor at Best Director.
Ayon kay Manoy, isa daw siyang reyalista at hindi isang mapangarapin. Sa isang interview ay naipahayag nito na kung oras mo na, kung patay ka na, makakalimutan ka ng mga tao at hindi rin umano niya iniisip ang kanyang iiwang anumang ‘legacy’ o pamana.
Paalam, Manoy. Isa kang tunay na artistang Pilipinong di basta mabubura sa alaala ng madla.

No comments