by Ace Fernandez, Lyndon Gonzales at La Liga Pilipinas June 6, 2019 Nasa larawan sina Gov. David “Jayjay” Suarez at LNB – Quezon Chapt...
Samantala, maituturing na isang tagumpay ang nasabing PPLB Convention na ginanap sa Cebu Convention Center, Cebu City at ito ay dinaluhan ng humigit isang libong deligadong mga Barangay Officials sa buong lalawigan ng Quezon. Ipinakikita sa nasabing okasyon ang kakayanan ng kasalukuyang LNB-Quezon Chapter President at Ex-Officio Board Member Hon. Ireneo “Boyong” Boongaling na pangunahan ang kanilang mga miyembro sa makabagong lebel ng serbiyo publiko at mga innovation sa governance sa ilalim ng kanyang liderato.
Sa mga naunang pahayag ni Bokal Boongaling bago maganap ang nasabing convention ay kaniyang itinagubilin sa lahat ng mga opisyal ng barangay na dapat maglingkod ng tapat at hindi dapat ma-involved sa anumang uri ng katiwalian ang sinumang barangay officials. Muli rin nyang pinaalalahanan ang mga ito na hindi lamang dapat binuo kundi gawing aktibo ang mga miyembro ng BADAC upang maisiguro na magtatagumpay ang kanilang barangay sa pagsugpo sa illegal na droga at kreminalidad.
Sa nakalipas na panahon matapos mahalal bilang pinuno ng PPLB / LNB – Quezon Chapter si BM Boyong Boongaling ay kanyang ipinakita ang kakayanang mapag-isa ang dating magkakahiwalay na grupo o faction sa nasabing samahan sa pamamagitan ng bukas na kaisipan at kahandaang makinig sa nagtatagisang opinion tungkol sa mga usaping may kinalaman sa mga plano, programa at advocacy ng kanilang organisasyon – na ayon kay Boongaling ay nagbibigay ang ganitong proseso sa kanilang mga opisyal upang mas higit pang mapagbuti ang serbisyong ibibigay nila sa taong bayan.

Nangako si Board Member Ireneo “Boyong” Boongaling na mas higit pa niyang pagbubutihin ang pamumuno at isusulong ang transparent at may pananagutang pagpapasya para sa isang lideratong nagbibigay ng mabuting halimbawa.