June 29, 2019 LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Upang matulungang mas mapalago ang negosyo ng mga micro-small-medium enterprise owners sa lugar,...
LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Upang matulungang mas mapalago ang negosyo ng mga micro-small-medium enterprise owners sa lugar, sa pangunguna ni Provincial Director Julieta Tadiosa, matagumpay na inilunsad kamakailan ang ika-5 Kapatid Mentor Me Program ng Department of Trade and Industry-Quezon.
Mahigit sa 130 MSME owners mula sa iba’t ibang panig ng probinsya ang nagtipon-tipon upang makibahagi sa nasabing aktibidad.
Kaisa ng DTI ang Philippine Center for Entreprenuership Go Negosyo sa 10 linggong coaching and mentoring program para sa 22 MSMES o mentees mula sa iba’t ibang bahagi ng probinsya.
Layunin ng programa na mas maiangat ang estado ng mga negosyo sa probinsya sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga karagdagang kaalaman at pagbibigya ng tamang pag-alalay mula sa mga matatagumpay na negosyante sa iba’t ibang larangan.
Sa tulong ng mga accredited speakers, entreprenuers , at practitioners, kakailanganin ng mga mentees na tapusin ang 10 modules na may kinalaman sa tamang pagpapatakbo ng negosyo. Matapos ito, dapat na makapagpresinta ang bawat isa ng kani-kanilang business improvement plan.
Nagpahayag rin ng mensahe para sa mga partisipante si Assistant Regional Director Marcelina Alcantara ng DTI 4-A.
Nagbahagi rin ng kani-kanialng inspiring story ang ilan sa mga dati ring mentee mula sa mga naunang batch ng Kapatid Mentor Me Program.
Bahagi rin ng programa ang question and answer portion sa pagitan ng mga kapatid mentor at mentees.
Umaasa si Tadiosa na gaya ng mga naunang grupo, magbubunga rin ng magagaling na negosyante ang ika limang batch ng kapatid mentor me program na siyang magiging insturmento naman upang matulungan ang bawat industriya na mas mapalago at mapaunlad pa ang sinimulang negosyo.(PIO Lucena/C.Zapanta)
No comments