Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Illegal logger muli na namang nagpatumba ng 60 taong gulang na puno sa Banahaw

by Jay Silva Lim June 15, 2019 Noong Sabado, ika-8 ng Hunyo ay muling may tumawag na konsernadong mamamayan mula Brgy. Con. Bogon sa pr...

by Jay Silva Lim
June 15, 2019

Noong Sabado, ika-8 ng Hunyo ay muling may tumawag na konsernadong mamamayan mula Brgy. Con. Bogon sa programang Kasama ng Kalikasan sa Channel 6 at 95.1 Kiss FM at Ipinabatid ang nagaganap na pagputol ng 60 taong gulang na puno ng Malauban na mismong nasa loob ng protected area sag awing ilaya ng papuntang silangan ng Brgy. Sampaloc Bogon na kung tawagin ay Sta Elena na pinakikinabangan ang malinis na tubig ng nasabing barangay.

Agad na ipinaabot ito ng Kasama ng Kalikasan sa Tanggapan ni Salud Pangan ang Protected Area Superintendent ng Mts. Banahaw- San Cristobal Protected Landscape at mabilis naman niya itong inaksyunan kasama ang lokal na pamahalaan ng Sariaya inakyat namin ang nasabing lugar ganap na ika-6 ng umaga araw ng lunes Hunyo 10, 2019 ang lugar at positibo naman naming nakita ang lugar na kung saan ay naputol na ang isang punong ang lokal na pangalan ay malauban. Tinatayang 40 peraso ng dos por lapad na may habang labindalawang (12) talampakan ang aming nakita na nakasalansan na sa lugar at nakahanda na upang ibaba sa pamamagitan ng kabayo.

Ayon sa nagbigay ng impormasyon isang nagngangalang Lando Pangilinan na taga Brgy. Sampaloc 1 ang mismong pumutol ng nasabing puno sa pamamagitan ng kanyang chainsaw na hindi na naming inabot sa lugar.
Nakakaalarmang kaganapan ang nangyayaring ito dahil matatandaang noong Setyembre ng nakaraang taon 2018 ay may nauna ng putulan sa lugar na nasasakupan din ng Brgy. Sampaloc Bogon at bahagi ng Pinagbakuran na naireport din ng konsernadong mamayan sa KnK radio/tv program.

Nakakalungkot na sa mismong protected area nagaganap ang nasabing putulan. Masasabing malalakas ang loob ng mga gumagawa nito upang lapastanganin ang batas at ang Kalikasan ng Banahaw, ngayon pa namang patuloy na lumulupit ang init na dulot ng climate changes at ang pagbaha at pag guho ng lupa sa ibang bahagi ng ating bansa na kumitil na sa maraming buhay ng ating mga kababayan.

Ayon sa kay PASU Salud Pangan patuloy nilang iimbistigahan ang nangyayaring putulan ngunit hiniling niya na dapat na makipagtulungan din ang mismong mga taga Bogon bago pa mahuli ang lahat at sila mismong maapektohan ng ginagawang ito ng iilang mga indibidwal na nasa likod nito at nakikinabang kahit pa nga at the expense sa maaring sakunang pagdating ng panahon ay makaapekto sa mas nakakaraming mamamayan ng Bogon at bayan ng Sariaya sa kabuuan.

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.