by Nimfa Estrellado and Ruel Orinday, may ulat mula sa Quezon PIA June 6, 2019 LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Matagumpay na isinag...
June 6, 2019
LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Matagumpay na isinagawa sa Lungsod ng Lucena noong Mayo 30, 2019 ang taunang “Pasayahan sa Lucena” kung saan ay tampok ang iba’t-ibang makukulay na mga gawain na taon-taong idinadaos kaalinsanbay sa pagdiriwang ng kapistahan. Ilan sa mahahalagang bahagi ng pista ay ang Longest Noodles Serving noong May 22, 2019, #Chami tinPa More Cooking Contest, “Chami sa Tasa Eating Contest” at Singing Lolo & Lola naman noong May 23, 2019.
Layunin ng #Chami tinaPa More cooking contest na mapaunlad ang produksiyon ng tinapa at makilala ang Lungsod ng Lucena na may masarap na tinapa samantalang nilalayon naman ng Chami sa Tasa Eating Contest na makilala rin ang Lucena City sa pagkakaroon ng masarap na chami.
Layunin naman ng Singing Lolo at Lola na isang paligsahan sa pag-awit ng mga senior citizen na mabigyan ng pagkilala ang mga nakatatandang mamamayan ng lungsod sa larangan ng pag-awit.
Bukod dito, itinampok din ang mga sumunod na gawain; Bb. Pasayahan sa Lucena noong Mayo 24; Mayor’s night noong Mayo 25; Flores de Mayo noong Mayo 26 at Pasayahan’s top talent noong-Mayo 27.
Itinampok noong hapon ng Mayo 28 ang Pasayahan Grand Parade na tatampokan din ng mga sumusunod; Float Competition, Street Dancing Contest, Carnival Queen, Pandong Competition at Photography Contest.
Nagkaroon rin sa gabi ng Mayo 28 ng battle of the bands na kinagiliwan ng mga Lucenahin at mga karatig bayan nito na mahihilig sa awitan at sayawan.
Dinagsa ng libo-libong mga lokal at dayuhang turista ang Pasayahan sa Lucena na malaki ang naitutulong sa pag-unlad ng lokal na turismo maging sa mga residente dito sa pamamagitan ng pagtitinda ng kanilang mga produktong pagkain at iba pa.
Bukod dito, malaking tulong din para sa pamahalaang lungsod ng Lucena ang kinita ng taunang Pasayahan sa Lucena sa pamamagitan ng pasayahan tiangge o midnight sale mula ika-5:00 ng hapon hanggang hatinggabi sa kahabaan ng Quezon Avenue, Lucena City.

Flores de Mayo with Ion Perez and Steph Robles Photo by Everything Quezon |
Xian Lim at Pasayahan Lucena Grand Parade Photo by DCT Imagery and Visuals |
(Grand Parade Photo by Apple N Peach) |
Grande Parade by Macoy Angay |
Street Dancing Competition Photo by Diego Tañafranca |
Flores De Mayo Photo by Diego Tañafranca |
Pasayahan’s Got Talent grand finals winner photo by Lito Giron |
Binibining Pasayahan 2019 Photo by DCT Imagery and Visuals |