EDITORIAL June 15, 2019 Kabalintunaan ay lumang salitang Tagalog na nangangahulugang katiwalian, kasalungat, di natural at katumbas ng s...
June 15, 2019
Kabalintunaan ay lumang salitang Tagalog na nangangahulugang katiwalian, kasalungat, di natural at katumbas ng salitang ironic sa English; at ang baligho naman ay nangangahulugang kakatwa o katawa-tawa at katumbas ng salitang false, absurd, misleading sa English.
Di ba kabalintunaan at baligho ang naganap na pagbangga ng sasakyang Tsino sa bangka ng 29 na mangingisdang Pinoy sa karagatang West Philippine Sea noong Hunyo 9 dahil ito’y itinuturing na Filipino-Chinese Friendship Day?
Iniidolo pa mandin ng Pangulong Rodrigo Duterte ang bansang Tsina at buhat nga nang siya’y maupo sa Malakanyang ay pilit na niyang ipinihit at ikinakabit ang pangloob at panglabas na interes ng bansang Filipinas mula sa Estados Unidos tungo sa bansang itinuturing na makapangyarihan sa kontinenteng Asya.
At noon ngang pagkaupo ni Duterte bilang pangulo ay kapapanalo lang ng bansang Pinoy sa isyu na inaari ng bansang Tsina ang kabuuan ng South China Sea ngunit ideneklara ng Permanent Court of Arbitration ng United Nations na walang bisa at mas may karapatan ang Filipinas dahil bahagi pa ito ng kanyang maritime territories. Pero kakatwa at katawa-tawa, sa katagang sabi, baligho, na kahit kaylan ay di man lamang gumawa ng hakbang ang pamahalaang Duterte para maisakatuparan ang resolusyon ng pandaigdigang ahensiya sa naturang isyu.
Bakit? Ngayon ay alam na natin at malinaw na sa atin kung bakit. Hangad ng administrasyong Duterte na makipagkaibigan sa bansang Tsina kung kaya ay walang tsetse-buretse na isinaisangtabi niya ang kapasiyahan ng United Nations at tumungo sa Tsina, nagmano si Duterte sa pangulo nitong si Xi Jinping at, presto, napirmahan ang ilang kasunduan upang mapondohan ng bilyong pisong halaga ang malalaking proyektong imprastraktura ng pamahalaan na nakapaloob sa centerpiece program nitong Build, Build, Build na ipinatutupad ng ahensiyang Department of Public Works and Highways.
Kaya ang nangyari sa karagatan noong Hunyo 9 ay isang malinaw na palatandaan ng pagmamalabis at pagmaliit ng bansang Tsina sa bansang Filipinas na nakikipagkaibigan sa kanya ngunit kabalintunaan at baligho ang ipinapakita.