Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Kalihim Briones di kakampi ng mga guro

Editorial June 8, 2019 Malubha ang problema sa sektor ng edukasyon lalo na kung ang mismong pinuno ng kagawaran nito wari ay di kakamp...

Editorial
June 8, 2019



Malubha ang problema sa sektor ng edukasyon lalo na kung ang mismong pinuno ng kagawaran nito wari ay di kakampi ng mga guro na siyang nakakaalam sa tunay na sitwasyon ng mga eskwelahan na kanilang pinagtuturuan. Nakakabahala sa hanay ng mga guro ang naging pahayag ni Kalihim Leonor Briones ng Kagawaran ng Edukasyon na ‘drama’ lang ang gawing faculty room ng mga titser ang comfort room ng eskwelahan.

Minaliit ng Kalihim ng Edukasyon ang Facebook post ng isang guro sa Bacoor National High School sa Lalawigan ng Cavite na nagpakita ng mga larawan ng kanilang comfort room na ginawang faculty room.

Ayon sa Kalihim Briones, yun naman ang pinili ng mga titser na gamitin ang lumang comfort room na dagdag pa nito ay ‘dramatic’ at ‘touching’. Hindi kaya ramdam ni Kalihim Briones - kung gagamitin ang linya ng mga millennials patungkol sa nakapanlulumong kalagayan ng mga guro - na “the struggle is real”?

Bukod pa sa mababang sahod ng mga guro ay nariyan ang kakulangan ng mga kagamitan sa eskwelahan katulad ng electric fan, kakulangan ng mismong silid-aralan at mga upuan, mga kasiraan ng pasilidad tulad ng bubong sa ilang mga eskwelahan, at marami pang iba.

Kaya nga bago sumapit ang bawat pasukan ng klase ay nagkakaroon ng Brigada Eskwela sa Mababa at Mataas na Paaralan sa buong bansa upang himukin ang iba’t ibang sektor na magboluntaryo at tumulong para maisaayos ang dapat iayos sa mga eskwelahan bago magsimula ang pag-aaral ng mga kabataan.

Tapos may pahayag pa ang Kalihim Briones na ‘teaching is not all about money” na totoo naman dahil wala namang pumasok sa larangan ng pagtuturo na ang layunin ay magkaroon ng maginhawang buhay. Kaya lang ang pahayag niya ay kakatwa at mahalay yata kung siya mismo bilang kalihim at miyembro ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte ay nakakatanggap buwan-buwan ng sahod na P300,000 kumpara sa bulto ng mga karaniwang guro na sumasahod lamang ng mahigit P20,000.

Lumalabas yata na manhid, walang malasakit at puso sa mga guro ang mismong pinuno ng Kagawaran ng Edukasyon kaya marahil ay dapat lang palitan ng isang kakampi nilang may pagsasaalang-alang sa kanilang kapakanan.

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.