Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Kauna-unahang Road Safety Assembly isinagawa ng LTO Calabarzon

By Mamerta De Castro June 6, 2019 LUNGSOD NG LIPA, Batangas - Isinagawa ng Land Transportation Office (LTO) Calabarzon ang kauna-unahang...

By Mamerta De Castro
June 6, 2019

LUNGSOD NG LIPA, Batangas - Isinagawa ng Land Transportation Office (LTO) Calabarzon ang kauna-unahang road safety assembly sa Lipa Academy for Sports Culture and Arts (LASCA) sa Brgy. Dagatan sa lungsod na ito noong ika-15 ng Mayo.

May tema ang aktibidad na “Tamang Kaalaman sa Daan, Susi sa Kaligtasan” na bahagi rin ng pagdiriwang ng Road Safety Month ngayong buwan ng Mayo.

Ayon kay Regional Director Eric Lenard Tabaldo, layon ng pagtitipon na maipabatid sa publiko ang kahalagahan ng kaligtasan sa daan upang maiwasan ang anumang uri ng aksidente na maaaring malaki ang maidulot na epekto sa isang tao maging sa kanyang pamilya.

“Sa kasalukuyan maraming major accidents ang nangyayari ngunit kulang sa kaalaman ang mga tao kung paano ba ito maiiwasan, ano ba ang dapat tandaan upang maging ligtas sa kalsada at ano ang dapat sundin na mga batas para maging ligtas sa daan. Kaming mga kawani ng LTO ay tagapagpatupad lamang ngunit kailangan din namin ang kooperasyon ng lokal na pamahalaan, mga mananakay at lalo na ang mga driver ng mga sasakyan,“ ani Tabaldo.

Ayon pa kay Tabaldo, ang aktibidad na ito ay umpisa lamang ng information awareness campaign ng kanilang tanggapan katuwang ang Department of Transportation (DOTr). Ilan sa mga nakilahok dito ang mga motorcycle and car dealers, lokal na pamahalaan, national government agencies, high school at college students, riders club at iba pa.

Sa panayam kay Rommel Poblador, founder ng Great Praetorian Riders Society (GPRS) at Motorcycle Community Organization for Peace and Security (MCOPS) na napakahalaga na matipon-tipon ang lahat ng stakeholders upang ipagdiwang ang Road Safety month dahil ito ang nagbibigay ng gabay upang maglakbay ng ligtas sa kalsada.

“Sa kasalukuyan, patuloy ang pagtaas ng bilang partikular ang mga gumagamit ng motor at mahalagang maturuan ng tamang kaalaman ang mga riders at maging ang mga driver ng mga four-wheel vehicles,” ani Poblador.

Sinabi naman ni Undersecretary Mark Richmund de Guzman, officer-in-charge ng DOTr-Road Transport Infrastructure na lalong hihigpitan at papaigtingin ng kanilang ahensya ang pagpapatupad ng mga batas sa lansangan alinsabay ng patuloy na pagbibigay ng pagsasanay at edukasyon sa mga driver at motorista.

“Bukod sa information campaign na ating isasagawa, atin ding tutukuyin ang ugat ng problema at patuloy ang gagawing paglikom ng data para maibahagi natin sa ating kapwa, “ ani De Guzman. (BHABY P. DE CASTRO, PIA Batangas)

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.