June 29, 2019 LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Sa pangunguna ni City Social Welfare and Development Officer Malou Maralit, matagumpay na isina...
LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Sa pangunguna ni City Social Welfare and Development Officer Malou Maralit, matagumpay na isinagawa kamakailan ang 2nd quarterly meeting ng Lucena City Council on Disability Affairs o LCCDA na dinaluhan ng iba’t ibang myembro mula sa committee on education, accessibility, participation, data and evidence, social protection, emergencies and disasters, protection and violence, health, at livelihood.
Binigyang pansin sa nasabing pagpupulong ang hanay ng mga aktibidad para sa 41st national disability prevention and rehabilitation week celebration sa susunod na buwan na may temang ‘lokal na pamahalaan: kabalikat sa pagtupad ng karapatan ng mga taong may kapansanan’.
Naging pagkakataon rin ito upang makapag bigay ng suhestyon at opinyon ang mga representante mula sa iba’t ibang ahensya at grupo.
Inilatag rin sa pagpupulong ang mga nakahanay na programa ng lccda para sa mga susunod na buwan.
Isa na rito ang pagsasagawa ng information campaign hinggil sa mga lokal at nasyonal na batas para sa mga pwd.
Dapat rin umanong mamonitor nang maayos ang pagpapatupad ng mga lokal na ordinansa para sa ito.
Layunin rin ng council na buhayin ang kamakalayan ng lahat ng mga myembro ng lccda hinggil sa kung paano dapat na tanggapan, intindihin, at suportahan ang mga kalakasan at mga pangangailangan ng nasabing sektor.
Nais rin ng council na tiyaking magkakaroon ng sustenableng mapagkukunan ng kabuhayan ang mga pwd na mabibigyang katuparan sakaling matuloy ang agricultural-based livelihood projects para sa mga ito.
Plano rin ng council na mas mabigyan ng kaginhawaan ang mga pwd kaya naman isa layunin nitong makapagpagawa ng isang evacuatation center na para lamang sa mga lucenahing may kapansanan.
Dapat rin aniyang bigyang pansin ang kapakanan ng mga ito sa lahat ng lugar sa pamamagitan ng paglalagay ng wheelchair ramps sa mga pribado at pampublikong establishmento.
Para naman sa ayuda ng lokal na pamahalaan sa legal na aspeto, balak rin ng lccda na makapag lagay ng legal help desk sa loob ng person with disability affair office. (Pio lucena/c.Zapanta)
No comments