By Ruel Orinday June 29, 2019 LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Mahigit 1,000 kawani ng pamahalaang panlalaawigan ng Quezon ang dumalo at nakiis...
June 29, 2019
LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Mahigit 1,000 kawani ng pamahalaang panlalaawigan ng Quezon ang dumalo at nakiisa sa isinagawang national simultaneous earthquake drill sa may harapan ng kapitolyo noong Hunyo 20, 2019.
Layunin ng aktibidad na masiguro ang kahandaan ng mga kawani sa posibleng pagdating ng mga sakuna partikular na ang lindol sa lalwigan ng Quezon.
Sa pangunguna ng tanggapan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, ang bawat tanggapan ng pamahalaang panlalawigan ay nagpakita ng suporta para sa adbokasiya ng nasabing aktibidad.
Ayon kay LDRRMO III, Sariel P. Salamat ang earthquake drill ay isinagawa hindi lamang upang magbigay ng dagdag kaalaman para sa mga mamamayan ngunit bilang preparasyon na rin sa mga maaari pang ayusin ng pamahalaang panlalawigan pagdating sa koordinasyon, mga kailangan pang kagamitan at mga pasilidad sakaling dumating ang isang 7.2 magnitude earthquake.
Nagpaabot rin ng pasasalamat ang Quezon PDRRMO na pinamumunuan ni Melchor P. Avenilla, Jr. sa aktibong pakikiisa ng bawat kawani ng pamahalaang panlalawigan sa idinaos na pagsasanay. (Ruel Orinday-PIA-Quezon/may ulat mula sa Quezon PIO)

No comments