Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Lucena PNP, haharapin ang bagong challenges sa 2019 – PSupt. Ariza

by Ace Fernandez, Lyndon Gonzales at La Liga Pilipinas June 6, 2019 LUNGSOD NG LUCENA, Quezon – Maituturing na tagumpay ang kampanya lab...

by Ace Fernandez, Lyndon Gonzales at La Liga Pilipinas
June 6, 2019

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon – Maituturing na tagumpay ang kampanya laban sa ilegal na droga ang mga aksyon at programa laban sa ilegal na droga ng Lucena PNP, subalit ayon kay P/Supt. Redante E. Ariza ay may mga challenges silang kinakaharap ngayong 2019.

Ayon kay hepe “Tuloy-tuloy pa rin ang kampanya laban sa ilegal na droga dahil yon ang mandato natin, at saka madagdagan pa ang mga barangay na dapat ay ma-cleared sa ilegal na droga. So far, ay meron na tayong 16 Barangay na na-cleared – ito ang plans and programs ng Lucena PNP na dapat ay pagtuunan ng pansin; dahil para sa akin, ang napapansin ko, kapag walang droga ay wala ring krimen at madalas na may krimen ay ang mga barangay na hindi cleared sa droga. So, masasabi natin na yong drug free barangays ay wala ng krimen.”

Ayon kay Ariza, “sa 30 at 3 barangay ng nasabing lungsod at dito nga ay 16 na ang drug free at naidagdag dito ang Brgy. Barra at Brgy. Domoit, sa mga naunang cleared Brgy. tulad ng Brgy. 1, 2, 3, 7, Mayao Castillo, M. Parada, Salinas, Ibaba at Ilayang Talim at Brgy. Ransohan. Sinabi pa rin ni PSupt. Ariza sa Sentinel Times Weekly na sa rationale na pananaw ay malaking puntos laban sa ilegal na droga ang mai-deklarang drug fee ang nasabing mga barangay dahil hindi lang nawala ang krimen kundi nawala rin ang banta sa siguridad at kapayapaan sa mamamayan sa nasabing lugar.

Aniya madalas na nangyayari sa lungsod ang vehicular accident na kagyat naman nilang tinutugunan ayon kay PSupt. Ariza. Ayon pa sa hepe, sa 250 thousand na population ng Lucena City ay kulang ang pulis upang i-manage ang peace and order ng Lungsod dahil ang ratio umano ng kapulisan sa Lucena sa kasalukuyan ay isang pulis sa dalawang libo at labingtatlong tao (1:2013) ng populasyon samantalang ang ideal umano ay isang pulis kada limangdaang tao sa total na populasyon ang kailangan.

Ayon kay Ariza, dati daw ay 200 ang police personnel sa Lucena PNP subalit ngayon ay 137 na lang ang aktibong miyembro nito. Tinanong ng Sentinel Times Weekly kung bakit nagkaganun at sinabi nga ni PSupt. Ariza na hindi nga rin nya maintindihan sapagkat patuloy naman ang recruitment ng PNP at tumataas din ang bilang ng populasyon subalit kulang na kulang pa rin ang kanilang hanay sa pangangailangan ng mga tao kung ang bilang ng populasyon ang pagbabatayan. May paliwanag rin si COP Ariza kung bakit aniya ganito ang sitwasyon nila dahil may mga naka-DS umano sa mga retired generals at maging sa mga mayors at vice mayors, governors, vice governors at congressman diumano’y naka-assiged ang mga pulis kaya merong imbalanced sa manpower ng Lucena PNP pagdating sa ratio ng populasyon. Ito umano ay understandable dahil ayon sa guidelines ng DILG ay dapat ika nya mga pulis ang escort ng mga ito, dagdag pa ni PSupt. Ariza.

Samantala, higit pa umanong pinaigting ang mga checkpoint sa mga strategic location sa lungsod upang matiyak na walang nakakalusot na mga criminal at ang mga illegal firearms. Pinasalamatan din in PSupt. Ariza si Kagawad Jun Buenaflor at iba pang mga indibidwal na nagbigay sa kanila ng impormasyon upang mahuli ang mga kriminal at drug pushers sa Lungsod patunay ika nya na mahalaga ang pagtutulungan ng kapulisan at ng mga mamamayan na resulta ito diumano ng Community Mobilization Program (CMP) na ipinatutupad ng Philippine National Police.

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.