Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Mahigit sa 400 mga Lucenahin, nabigyan ng libreng salamin sa mata ng pamahalaang panlungsod

by Ronald Lim June 15, 2019 LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Aabot sa tinatayang mahigit sa 400 mga Lucenahin ang napagkalooban ng libreng s...

by Ronald Lim
June 15, 2019

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Aabot sa tinatayang mahigit sa 400 mga Lucenahin ang napagkalooban ng libreng salamin sa mata ng pamahalaang panlungsod ng Lucena.

Ginanap ang naturang aktibidad na ito sa 4th floor ng Lucena City Government Complex na kung saan ay personal itong dinaluhan ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala.

Umalingawngaw ang malakas na palakpakan at sigawan mula samga dumalo dito sa pagdating ni Mayor Dondon Alcala sa okasyon dahilan sa katuwaan at kagalakan na makita ang alkalde.

Nakasama naman ni Mayor Alcala dito ang head ng City Health office na si Dra. Jocelyn Chua at ilang mga tauhan ng Bagong Lucena Health Program.

Sa naging takbo ng palatuntunan dito, nagbigay ng mensahe si Mayor Dondon Alcala sa lahat ng napagkalooban ng nasabing salamin sa mata.

Pinasalamatan nito ang lahat ng mga dumalo dito sa ginawang muling pagtitiwala ng mga ito sa kaniya upang maging alkalde ng Lucena.

Ipinaliwanag rin ng alkalde sa mga ito ang naging proseso kung paano ang mga ito napabilang sa nasabing programa.

Aniya, ang lahat ng mga naging benipisyaryo ng Oplan Mata ay isinailalim muna sa pagsusuri ng kanilang mata upang sa ganun ay maging tama ang grado ng salamin na ibibigay sa mga ito.

Dagdag pa ng punong lungsod, ang mga salaaming nabanggit ay ipinagagawa pa sa Maynila upang maging maayos at maganda ang mga ito.

At matapos na makapagbigay ng kaniyang mensahe ay pormal nang ibinigay samga benipisyaryo nito ang kanilang salamin sa mata.

Lubos naman ang naging pasasalamat ng mga tumanggap ng salaaming nabanggit kay Mayor Alcala at sa programa nito na aniya ay lubos na nakakatulong sa mga mamamayang Lucenahin.

Ayon pa sa mga ito, malaking tulong ang libreng salamain sa mata na nabanggit lalo na sa mga may kakapusan sa pinansyal na aspeto at hindi kayang makapagpatingin gayundin ang makabili ng salamin sa mata.

Pabiro pang sinabi ng mga ito na mas naging malinaw ang kanilang paningin at mas lalong gumandang lalaki sa kanilang paningin si mayor Dondon Alcala nang kanila itong gamitin.

Ang pagkakaloob ng mga salamin sa mata na nabanggit ay isa lamang sa mga programa at peoyekto ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala pagdating sa sector ng kalusugan dahilan sa isa ang sector ng ito sa mga pamngunahing sketor na kaniyang tinututukan at ito ay sa pagnanais na ang bawat Lucenahin ay maging maayos ang kalusugan. (PIO LUcena/R. Lim)

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.