Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Mayor Dondon Alcala pinangunahan ang pamamahagi ng school supplies sa ilang mga paaralan sa lungsod

by Ronald Lim June 15, 2019 LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Sa pagnanais na personal na masaksihan ang katuwaan ng mga kabataang mapagkakaloo...

by Ronald Lim
June 15, 2019

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Sa pagnanais na personal na masaksihan ang katuwaan ng mga kabataang mapagkakalooban ng libreng gamit pang-eskwela, pinangunahan ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala ang naturang aktibidad na ito sa ilang mga paaralan sa lungsod.

Kamakailan ay tinungo ni mayo Dondon Alcala ang bahagi ng Brgy. Silangang Mayao, Mayao Parada, Mayao Castillo, at Kanlurang Mayao upang isagawa ang nasabing proyekto.

Naging kasing inti ng panahaon ang naging pagtanggap ngmga guro, estudyante at lalo’t higit ang mga magulang ng mga mag-aaral na kabataan sa pagdating ni Mayor Alcala sa mga paaralang tinutungo nito.

Bakas na bakas rin ang mga ngiti sa bawat labi ng mga ito nang makita ang alkalde at lubos na pinasalamatan sa paghahatid ng nabanggit na programa.

Anila sadyang napakalaking tulong ang mga libreng gamit pang-eskwela na ipinagkaloob ng punong lungsod dahilan sa nakababawas ito sa kanilang mga gastusin lalo na ngayong pasukan ng mga bata.

Dagdag pa ng mga ito, mas nailalaan nila sa iba pang mga importanteng gastusin ang perang kanilang sanang ipambibili ng gamit na ngayon ay kanilang natipid dahilan sa pagkakaloob ng mga kagamitang inihatid ni Mayor Alcala.

Samantala, sa naging pananalita naman ni Mayor Dondon Alcala, kaniyang sinamantala ang pagkakataong ito at pinasalamatan ang lahat ng mga magulang ng kabataang mag-aaral dahilan ginawang muling pagtitiwala ng nito sa kaniya upang maging alkalde ng lungsod.

Ayon pa rin sa punong lungsod, ang programang tio ay pitong taon na niyang inihahatid sa bawat kabataang Lucenahin sa hangarin na magkaroon ng maayos na edukasyon ang mga ito.

Aniya, ang paghahatid ng libreng gamit pang-eskwela na ito ay isang hakbang upang makamit ng mga mag-aaral sa lungsod ang kanilang mga pangarap sa buhay at upang makatulong sa kanilang pagtatapos ng pag-aaral.

Umaasa naman ang punong lungsod na sa pamamagitan ng kagamitang nabanggit at sa gabay ng bawat mga magulang ay unti-unting makakatapos ng kanilang pag-aaral ang mga estudyanteng ito upang sa ganun ay matulong sa kanilang mga magulang.

Ang programang pagkakaloob ng libreng gamit pang-eskwela ay sinimulan pa ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala nang maupo ito bilang alkalde ng lungsod na ngayon ay nasa ikapitong taon na sa pagnanais na ang lahat ng mga kabataang Lucenahin ay makapag-aral.

At isa lamang ito sa mga programa at proyekto ni Mayor Dondon Alcala pagdating sa sector ng edukasyon bukod pa rin ang pagkakaloob ng mga pangangailangan ng bawat paaralan sa Lucena.(PIO LUcena/R. Lim)

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.