June 29, 2019 Matapos ang pakikipagtunggali sa ilang mga magagaling na atleta sa buong bansa, binigyang pagkilala ng pamahalaang panlungsod...
Matapos ang pakikipagtunggali sa ilang mga magagaling na atleta sa buong bansa, binigyang pagkilala ng pamahalaang panlungsod ang mga atletang Lucenahin na lumahok sa ginanap na palarong Pambansa kamakailan.
Isinagawa ang pagbibigay parangal na nabanggit sa ginanap na flag raising ceremony na kung saan ay iprinisenta ang mga manlalarong ito sa mga dumalo dito.
Buong pagmamalaking tinawag at ipinakilala ni EPS for Sports ng DepEd Lucena na si Sir Joey Jader ang mga miyembro ng Team Bagong Lucena na lumhok sa nasabing patimpalak.
Ayon sa ulat ni Sir Joey Jader, nakakuha ng 6 na gintong medalya, 6 pilak at 6 na tansong medalya ang mga manlalarong Lucenahin dito habang nagkamit naman delegasyon ng SPED, na kung saan ay 2 manlalarong Lucenahin ang kabilang dito, ng 4 gintong medalya at 1 pilak na medalya.
Malugod na ibinalita rin ni Sir Jader na isang player ng team Bagong Lucena ang nakapagtala ng bagong record sa Palarong Pambansa at ito ay nakamit ni Jordan ken Lobos sa larangan ng larong swimming.
Nakuha ni Lobos ang bagong record sa larangan ng swimming para sa breast stroke category, at nakapagtala ng 2 minutes 26.25 seconds na kung saan ang dating record nito ay 2 minutes 27.39 seconds.
Bukod dito, maging ang mga guro at punong guro na delegasyon ng Bagong Lucena para sa Region 4A o Calabarzon, ang nanguna sa disiplina ng rehiyon at nakamit naman ng mga ito ang ikalawang pwesto para sa Most Discipline Delegation sa buong bansa.
Lubos ring binigyang pasasalamat ng EPS for Sports ng DepEd Lucena, sina City Schools Division Superintendent Dr. Aniano Ogayon, Assistant SDS Babylyn Pambit, at lalo’t higit kay Mayor Roderick “Dodnon” Alcala sa walang sawa at patuloy nitong pagsuporta sa mga atletang Lucenahin.
Samantala sa naging pahayag naman ni Mayor Alcala, kaniyang pinasalamatan ang lahat ng mga manlalarong Lucnahin dahilan sa karangalang inihahatid nito sa lungsod ng Lucena.
Tiniyak rin nito na nakahanda at patuloy niyang susuportahan ang mga atletang Lucenahin upang mas lalo pang maging magaling ang mga ito sa kanilang napiling isport.
Ang pagbibigay ng tulong at atensyon sa mga atletang Lucenahin ni mayor Dondon Alcala ay matagal nang isinasagawa ng alkalde sa simula pa ng maupo ito bilang ama ng lungsod at sa pagnanais na rin na mas makilala pa ang mga ito sa kanialng napiling larong pampalakasan at maging tanyag hindi lamang sa buong rehiyon kundi maging sa buong bansa at maging sa buong mundo. (PIO LUcena/ R. Lim)

No comments