by Mamerta De Castro June 29, 2019 LUNGSOD NG BATANGAS, Hunyo 27 (PIA)- Binigyang-pagkilala ng Department of the Interior and Local Govern...
June 29, 2019
LUNGSOD NG BATANGAS, Hunyo 27 (PIA)- Binigyang-pagkilala ng Department of the Interior and Local Government (DILG)-Batangas ang mga barangay na kabilang sa pinarangalan kaugnay ng Lupong Tagapamayapa Incentive Awards(LTIA) na ginanap sa Provincial Auditurium kamakailan.
Ayon kay DILG OIC Provincial Director Abigail Andres, ang LTIA ay itinatag alinsunod sa Section 406(B) ng Local Government Code of 1991 na siyang nagbigay ng mandato sa kanilang tanggapan upang maggawad ng suportang pangkabuhayan at iba pang insentibo sa mga Lupong Tagapamayapa.
Aniya, layon nitong kilalanin ang mga Lupon na nagpamalas ng husay sa pagsusulong ng Barangay Justice System at maging ang patas na pamamaraan ng Lupong Tagapamayapa upang lutasin ang maliliit na gusot sa hanay ng mga pamilya o residente upang maiwasang umabot pa sa korte ang usapin.
Batay sa Katarungang Pambarangay: Isang Handbook, ang Lupong Tagapamayapa o Lupon ay isang grupong itinatag sa bawat barangay, na binubuo ng Punong Barangay bilang tagapangulo at mga kasaping pipiliin na hindi bababa sa sampu at hindi hihigit sa dalawampu.
Ayon kay Governor Hermilando Mandanas, mahalaga ang ginagampanan ng barangay sa lipunan bagamat ito ay tinaguriang pinakamaliit na yunit ng pamahalaang lokal.
“Ang barangay ang itinuturing na pinakamaliit na yunit ng pamahalaang lokal ngunit mahalaga na ito ay napapanatiling mapayapa at tahimik. Malaking papel ang ginagampanan ng ating mga Lupong Tagapamayapa dahil sila ang nagsisiguro na lahat ng usapin at anumang isyu o problema na idinulog sa barangay ay mabigyang pansin at masolusyunan upang hindi na humaba pa ang usapin o kailangan pang dalhin sa Korte para pag-usapan,” ani Mandanas.
Hinirang bilang Provincial Winner at Regional Winner ang Brgy. Pinagbayanan sa bayan ng Taysan sa pamumuno ni Punong Barangay Teodora Purino at sila ang kakatawan sa Calabarzon sa National LTIA 2019. Nagkamit ito ng P15K cash incentive habang ang Brgy. Putting Bato East sa bayan ng Calaca sa pamumuno ni Punong Barangay Melvin Bathan ay nahirang na Provincial Finalist at nagkamit ng P10K halaga ng insentibo.
Ang Brgy. Darasa sa Lungsod ng Tanauan na pinamumunuan ni Punong Barangay Luisito Flores ang hinirang na Provincial Winner at Regional Finalist sa kategoryang Component City at nagkamit ng P15k cash incentive. (BHABY P. DE CASTRO-PIA Batangas)

No comments