Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

PAGLAYA, HINDI LANG SA SALITA, KUNDI SA GAWA – Mayor Ernida Reynoso

by Ace Fernandez, Lyndon Gonzales @laligapilipinas Ang mga lumang watawat, habang sinusunog ang mga ito na sinaksihan nila Mayor Er...


by Ace Fernandez, Lyndon Gonzales @laligapilipinas

Ang mga lumang watawat, habang sinusunog ang mga ito na sinaksihan nila Mayor Ernida A. Reynoso at iba pang opisyal ng Tayabas City.
TAYABAS CITY – Kasabay sa pagdiriwang ng ika -121 araw ng Kalayaan sa buong bansa at sa iba pang panig ng mundo kung saan ay may mga Pilipinong nakabase dito ay ipinagdiwang din sa Tayabas City ang kaganapan na bahagi na ng ating kasaysayan.

Pinangunahan ni Mayor Ernida A. Reynoso, City Councilor Lovely Reynoso at iba pang halal na mga opisyal, Brgy. Officials, at mga manggagawa ng pamahalaang panglungsod. Kasama din sa dumalo ay ang grupo ng Knights of Columbos, Boy Scout of the Philippines at kinatawan ng Philippine Army – AFP na syang nagbigay ng gun salute sa huling hantungan ng mga sinunog na lumang watawat bilang pagtupad sa probisyon ng batas na nagtatadhana sa pagsunog sa mga lumang bandila at paglilibing ng abo na ituturing na sagradong lugar ang paglalagakan nito.

Mayor Ernida A. Reynoso, Councilor Lovely Reynoso, Boys Scout of the Philippines at iba pang opisyal ng Tayabas City
Sa panayam ng Sentinal Times Weekly kay Mayor Reynoso ay sinabi niya na mahalagang ipagdiwang ang Araw ng Kalayaan sapagkat sumasalamin ito umano sa pagnanais ng mga Pilipinong makalaya sa mga dayuhang sumakop at naglagay ng mga tanikalang gumapos sa ating mga kababayan dahilan upang magkaisa at lumaban ang ating mga bayaning nagbuwis ng kanilang buhay makamtan lamang ang pambansang kasarinlan. 

Aniya, sa kasalukuyang panahon ay nasa gawa ang paglaya hindi lamang sa salita sapagkat nahaharap umano ang ating bansa sa mga hamon ng kahirapan at iba pang mga pagsubok na dapat ay matugunan ng ating gobyerno. 

Ayon kay Mayor Reynoso ang kanyang muling pagkakahalal bilang Mayor ng LGU ng Tayabas ay patunay na nagbubunga na ang kanyang pagsisikap na matugunan ang pangangailan ng kanyang mga kababayan at gawin na nararapat bilang alkalde ng lungsod katuwang ang iba pang opsiyal at mga myembro ng Sangguniang Panglungsod. Aniya, “aking sisikapin na mapalaya sa kahirapan ang aking mga kababayan at mabigyan ng maayos na edukasyon ang mga kabataan dahil sila ang itinuturing kang pag-asa ng bayan at mag-iwan sa kanila ng isang magandang legasiya, ang matapat at epektibong pamumuno.”

Samantala, sa panayam ng Sentinal Times Weekly kay G. John Israel Valdeabella, ang kasalukuyang pangulo ng TUKLAS Tayabas na isa sa katuwang ng nasabing pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan at ayon sa kanya ay nandun ang kanilang samahan upang muling buhayin ang kasaysayan at nasyunalismo sa mga pilipino lalo na ang kabataan. Aniya, “napapansin po natin na tila nawawala na ang pagpapahalaga sa ganitong okasyon kaya sinamantala po natin ang pagkakataon na ipadama ang kahalagahan ng ganitong pag gunita sa mga sakripisyo ng mga pilipinong bayani upang makamtam natin ngayon ang kalayaan.

“Sumuporta kami sa Tayabas-LGU upang pagandahin pa ang celebration at sa ganitong pagkakataon ay muling buhayin ang damdaming makabayan at pag-ibig sa bayan. Sa tala ng kasaysayan ay Tayabasin ang unang mga pilipinong sumakop sa pinakamatibay na muog ng mga kastila – ang Fort Santiago na hindi ito nagawa ni Andres Bonifacio at di rin ito nagawa ni Emilio Aguinaldo… ang taong nag-deklara ng kalayaan. Sinamantala naming ang pagkakataong ito para ipadama ang pag-ibig sa bayan na ating ipinakita sa huling seremonya sa pagbibigay pugay sa watawat ng Pilipinas kasama ang Boy Scout of the Philippines." dagdag pa ng alkalde.

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.