June 29, 2019 LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Upang matulungan ang sector ng agrikultura sa lungsod, namahagi ng mga agricultural inputs ang pa...
LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Upang matulungan ang sector ng agrikultura sa lungsod, namahagi ng mga agricultural inputs ang pamahalaang panlungsod sa ilang mga magsasaka sa Lucena.
Ginanap ang pamamahaging ito sa lobby ng Lucena City Government Complex na kung saan ay personal itong pinangunahan ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala.
Nakasama naman ng alkalde sa pamamahaging ito si City Agriculturist Melissa Letargo at nagmula naman sa iba’t-ibang mga barangay sa LUcena ang mga napagkalooban ng naturang kagamitan.
Mayroong mga knapsack sprayer, mga magagandang klase ng binhi ng mais at pananim, at ilan pang mga kagamitan ang ipinagkaloob sa mga ito.
Sa naging mensahe ni Mam Melissa Letargo, nakipag-coordinate aniya ang kanilang tanggapan sa Depatment of Agriculture para sa mga interventions para sa mga magsasaka at mangingisdang naapektuhan ng dinanas ng mga ito ng sakuna na El Niño.
Bukod dito, nagkaloob rin ng tulong ang pamahalaang panlungsod sa pangunguna ni Mayor Dondon Alcala para sa mga ito.
Binigyang pasasalamat rin ng city agriculturist ang punong lungsod sa lahat ng tulong at suporta para na ipinagkakaloob nito sa mga magsasakang Lucenahin.
Samantala, sa naging pananalita naman ni Mayor Alcala, ang mga ipinamahaging mga kagamitang nabanggit ay ang mga tulong mula sa nasyunal na pamahalaan para sa mga naapekuhan ng sakuna ng El Niño.
Gayundin kaniyang pinasalamatan ang hepe ng tanggapan ng city agriculturist office at ang Department of Agriculture dahilan sa patuloy na pagtulong nito sa mga magsasaka at mangingisda sa Lucena.
Binigyang tagubilin rin ng alkalde ang lahat ng mga pinagkalooban nito na nararapat lamang na gamitin ito ng tama para sa mas ikagaganda ng kanilang pamumuhay.
Ang pagkakaloob ng mga naturang agricultural inputs na ito ay dahilan na rin sa pagnanais ni Mayor Dondon Alcala na matulungan ang mga nasa sector ng agrikultura sa lungsod upang mas lalo pang umangat ang kabuhayan ng mga ito dahilan sa isa ang nabanggit na sector sa mga tinututukang prayoridad ng kaniyang administrasyon. (PIO LUcena/ R. Lim)

No comments