Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Pamahalaang panlungsod ng Lucena, nakiisa sa paggunita ng ika-121 taong ng Kalayaan ng bansa

by Ronald Lim June 15, 2019 Lucena City Government Complex LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Kasabay ng paggunita sa buong bansa ng A...

by Ronald Lim
June 15, 2019

Lucena City Government Complex


LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Kasabay ng paggunita sa buong bansa ng Araw ng Kalayaan, nakiisa sa nasabing aktibidad ang pamahalaang panlungsod ng Lucena kahapon ng umaga.

Ginanap ang naturang okasyon sa harapan ng lumang city hall na kung saan ay pinangunahan ito ni City Administrator Anacleto “Jun” Alcala Jr na siyang nagrepresenta kay Mayor Roderick “Dondon” Alcala.

Nakibahagi rin dito sina Vice Mayor Philip Castillo, Councilors Sunshine Abcede-Llaga, Nilo Villapando at SK President Patrick Nadera.

Present rin dito ang ilang mga kapitan at kapitan ng barangay sa lungsod gayundin ang ilang mga kawani ng DepEd-Lucena at mga punong guro mula sa iba’t-ibang paaralan sa Lucena.

Maging ang mga kawani ng pamahalaang panlungsod mula sa iba’t-ibang departamento ay dumalo rin sa nabanggit na aktibidad gayundin ang mula sa mga nasyunal na pamahalaan tulad ng PNP, BJMP, BFO, Girl Scouts at Boy Scouts of the Phils. at ang ilang mga miyembro ng Club 1925 ng Alpha Phi Omega.

Naging panauhing pandangal naman dito si Atty. Eucledes Forbes na dating administrator ng Philipppine Coconut Authority.

At bago pa man magbigay ng mensahe ang panauhing pandangal ay naghandog naman ng isang awitin ang ipinagmamalaki ng lungsod ng Lucena na naging finalist sa The Voice Kids at I Can See Your Voice na si Justina Alba.

Sa naging pananalita ni Atty. Forbes, kaniyang ibinahagi sa lahat ng dumalo dito na ang ilang mahahalagang bagay hinggil sa pagiging malaya ng ating bansa.

Samantala, sa naging mensahe naman ni City Administrator Jun Alcala, kaniyang ipinaalala sa lahat na nararapat na ipagmalaki ng bawat isang Lucenahin at nang bawat isang Filipino ang pagiging malaya ng ating bansa.

Ipinabatid rin ng administrador ang kahalagahan nito na kung saan aniya sa pagkamit ng kalayaan ng ating bansa laba nsa mga dayuhang sumakop sa bansang Pilipinas ay ipinakita ng mga bayaning Filipino na nararapat na ito ay ipagtanggol dahilan sa ito ay ating lupain.

At matapos na makapagbigay ng kanilang mensahe ay isinunod na dito ang paglalagay ng mga bandila ng bawat nagtungo sa naturang aktibidad bilang pagpapakita ng mga ito ng kanilang paggalang at pakikiisa sa paggunita ng Araw ng Kalayaan.

Ang pakikiisang ito ng pamahalaang panlungsod sa Araw ng Kalayaan ay bilang pagpapakita ng kanilang paggalang at pagmamahal sa ating bansang Pilipinas.(PIO LUcena/R. Lim)

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.