Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Pamamahayag

August 31,  2019 Editorial Hindi miminsan na itinuring ang industriya ng pamamahayag na, kung hindi man salot, ay pambubuwisit. Mahir...


August 31,  2019

Editorial

Hindi miminsan na itinuring ang industriya ng pamamahayag na, kung hindi man salot, ay pambubuwisit.

Mahirap ang katayuan ng media – brodkast o print – pero eto lamang ang paraan ng pagkabatid ng karaniwang mamamayan sa mga nagaganap sa kanyang paligid, sa kanyang komunidad. Oo, may social media na ngayon dahil sa paglaganap ng teknolohiya ng internet pero ang bulto ng mga ordinaryong tao – magsasaka, mangingisda, trabahador sa pabrika – ang radyo, peryodiko at telebisyon pa rin ang pinagmumulan at pinagkukunan ng mahahalagang impormasyon tungkol sa maraming bagay – politika, palakasan, kalusugan, agham, sining, kultura, at iba pa.

Iyan marahil ang simpleng katotohanan kung kaya’t ang media, ang pamamahayag, ay itinuturing na ikaapat na estado o sangay ng pamahalaan na kapantay o katumbas ng tatlong sangay na ehekutibo, lehislatibo at hudikatura. Kaya naman isinasaad ng ating Saligang Batas na ang media ay isang institusyon na may basbas ng proteksiyon ng batas dahil ito’y nagsisilbing tanod o sentinel ng bayan at ng demokrasya. (Kaya naman sumulpot ang lokal na pahayagang Sentinel Times sa lalawigan ng Quezon dahil itinuturing nitong magmanman at magbalita sa lokal na komunidad.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Ang pagiging tanod ng media ang siya rin namang kinaiinisan ng mga nasa pamahalaan. Ok lang kung papuri ang iniuukol na balita ng media pero pag pagpuna at pagbatikos na sa kung anumang nakikitang mali o sablay sa palakad ng pamahalaan, diyan na nabubuwisit ang mga nasa pamahalaan at itinuturing nang halos salot ang pambubuwisit ng media.

Ang media kadalasan ay nasa katayuang ‘damn if you do, and damn if you don’t’ dahil kung ito’y magpasiyang pumuna sa mga bagay-bagay ay napaparatangang kaaway ng gobyerno at kaunlaran at kung manahimik naman ay napagdududahan na kasapakat sa mga gumagawa ng kalokohan.

Ang papel ng media ay tagapamagitan ng mamamayan at pamahalaan pero mas dapat paglingkuran nito ang kapakanan ng nakararaming mamamayan kaysa kaginhawahan ng mga nasa pamahalaan na ang mandato ay hindi ang siraan ang tagapagbalita sa mga masama nitong nakikita kungdi ay iwasto ang mali at mga kakulangan para sa kagalingan ng madla.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.