Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Sa pagkakaisa, lahat ay magagawa – Mayor Ernida A. Reynoso

by Ace Fernandez, Lyndon Gonzales @ Laliga Philippines June 8, 2019 Nasa larawan si Re-elected Mayor Ernida A. Reynoso ng Tayabas Cit...

by Ace Fernandez, Lyndon Gonzales @ Laliga Philippines
June 8, 2019

Nasa larawan si Re-elected Mayor Ernida A. Reynoso ng Tayabas City na nakapanayam ng Sentinel Times Weekly kamakailan. (LYNDON GONZALES)

TAYABAS CITY – Sa muling pagkakahalal ni incumbent City Mayor Ernida A. Reynoso ay inilatag niya ang kanyang mga gagawin sa loob ng susunod na tatlong taong termino na siyang magpapatunay na hindi nagkamali ang kanyang mga kababayan ng muli siyang bigyan ng mandato na nag-resulta sa halos sampung libong boto lamang sa pinakamalapit niyang mga naging katunggali sa nakalipas na 2019 midterm election.

Sa panayam ng Sentinal Times Weekly kamakailan ay sinabi ni Mayor Reynoso na titiyakin niyang magagawa ang City College ng lungsod na may budget na ₱30-₱40 milyon pesos. Ang nasabing City College umano ay pangungunahan ni elected city Councilor at Dean Farley Abrigo na siyang tatayong chairman ng Committee on Education sa Sangguniang Paglungsod.

Aniya, sayang ang pagkakapasa ng batas ng FREE EDUCATION LAW sa ilalim ng administrasyong Duterte kung wala daw naman silang maitatayong paaralan sa Tayabas City. Magiging makabuluhan lang ika niya ang libreng edukasyon kung ang mismong pinuno ng LGU’s na tulad niya ang magpo-provide ng education facilities upang maibigay ang quality education sa mga kabataan at maging simula ito upang matupad ang kanilang mga pangarap at makaaahon sila sa kahirapan.

Ayon kay Reynoso, hindi lahat ng mga kabataan sa lungsod ay mabibigyan ng pagkakataong makapasok sa SLSU – Tayabas dahil sa mataas nitong pamantayan sa grado ng mga mag-aaral kaya ang Tayabas City College umano ang siyang magiging pundasyon ng mga mag-aaral na magkakaroon ng inisyal na kursong pwedeng kunin ng mga estudyante tulad ng BSED, Computer or IT Course at kurso para sa agrikultura. Ito umano ay ilang kursong panimula sa nasabing gagawing pamantasan ng Tayabas-LGU.

“Nakakaawa ang Tayabas dahil wala pang college kaya aking pinagsisikapang maitayo ito at bilang isang dating guro ay mahalaga sa akin ang edukasyon ng mga kabataan” dagdag pa ni Mayor Reynoso.

Ang pagtatayo diumano ng bagong City Hall ng lungsod ay isang sagisag ng pagbabago at kaularan ayon sa alkalde. Aniya, kay tagal nilang hinintay ang pagkakataong ito na maipakita sa lahat na ang Tayabas City ay tumatayo sa hamon ng panahon at ang mga proyekto tulad ng Terminal Hub, Commercial Complex, Quezon Sports Complex, ang papgtatayo ng Industrial Park na may 100 ektarya ang lawak ay pagpapakita na ang lungsod ngayon ay isang investment driven economy sa ilalim ng kanyang pamumuno.

Sinisuguro din ni Mayor Reynoso na ang sektor ng agrikultura ay kasabay na uunlad dahil naglaan diumano ang Pamahalaang Lungsod ng 50 million pesos para sa farm to market roads, spillway sa ilang barangay at patuloy na mechanization ng mga magsasaka para maisulong ang modern agriculture sa lungsod.Sinabi pa ni Mayor Reynoso sa Sentinel Times weekly “na pananatilihin niya ang masinop na paggamit ng pondo ng local na pamahalaan na kamakailan lamang ay nakakuha ng Good Financial Housekeeping Awards ang Tayabas – LGU mula sa Department of Interior and Local Government at ang ibinigay na pagkilala sa kanya bilang isa sa Most Outstanding Mayor of the Philippines ay patunay ika nya na ating ginagampanan ng maayos ang ating pamamahala sa ating lungsod” ayon pa kay Mayor Reynoso.

Samantala sa mensahe ay sinabi nya na nagpasalamat sya sa malaking tiwala ng tao sa kanya at ito umano ang magiging inspirasyon ni Mayor Reynoso upang magsikap pa para maibigay ang mga proyektong makapagbibigay ng ginhawa sa kanyang mga kababayan. Nananawagan din si Mayor Arnida Reynoso sa mga Tayabasin na suportahan sya sa kanyang mga programa at mga pangarap dahil sa pagkakaisa lahat umano ay magagawa.

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.