Mayor Edna Padilla Sanchez at Vice Mayor Armenius Silva by Lolitz Estrellado June 8, 2019 STO. TOMAS, Batangas - Muling iniluklok ng ...
Mayor Edna Padilla Sanchez at Vice Mayor Armenius Silva |
June 8, 2019
STO. TOMAS, Batangas - Muling iniluklok ng mga Tomasino ang matatag na tandem ng kanilang Mayor Edna Padilla Sanchez at Vice Mayor Armenius Silva noong nakalipas na eleksyon.
Si Sanchez ay nakakuha ng 37, 750 boto o 51.19 percent ng kabuuang bilang ng mga registered voters na bumoto, at si Silva naman ay 36, 999 na boto ang nakuha o 52.60 percent.
Ayon mismo sa mga Tomasino, magaling na ay matino pa ang kanilang dalawang pinakamataas na opisyal ng kanilang bayan kaya naman ang mga ito pa rin ang kanilang ibinoto.
“Parehong magaling ang Mayor Sanchez at Vice Mayor Silva. Katunayan, bale second round na nila pareho para sa sunod - sunod na tatlong termino. Subok na namin ang kanilang mahusay at matapat na liderato, gayundin ang makataong paglilingkod.Very sincere at compassionate ang mga iyan,” paliwanag ng isang guro sa Sto. Tomas na hindi na nagbanggit ng kanyang pangalan.
Ayon naman sa isang barangay captain ang mga programa ng administrasyong Sanchez-Silva ay tunay na makabuluhan at pinakikinabangan ng mga mamamayan.
“Kita nyo naman ang pag-unlad ng Sto. Tomas. Ang daming programa, patuloy ang mga ginagawang proyektong imprastaktura at katunayan, sa darating na Setyembre 2019 ay pormal nang magiging isang ganap na lunsod o city ang aming bayan, pahayag ng kapitan.
Kapuwa naman nagpapaabot ng taos - pusong pasasalamat sa mga Tomasino sa kanilang solido at patuloy na suporta, pagtitiwala at kooperasyon sina Mayor Sanchez at Vice Mayor Silva, at nagpahayag na magpapatuloy ang mga serbisyo ng kanilang administrasyon at mga programang makakatulong sa lahat upang lalo pang umunlad ang Sto. Tomas City.