Page Nav

HIDE


Breaking News:

latest

Ads Place

And dakilang lumpo

Nutracker by Lolitz Estrellado July 20, 1920 GAT APOLINARIO MABINI  Lolitz Estrellado Si GAT APOLINARIO MABINI, ang Dakilang Lumpo ...

Nutracker
by Lolitz Estrellado
July 20, 1920

GAT APOLINARIO MABINI


 Lolitz Estrellado
Si GAT APOLINARIO MABINI, ang Dakilang Lumpo (The Sublime Paralytic) ay isa sa mga ipinagmamalaki at ikinararangal na bayani ng bansa. Sa kabila ng kanyang kapansanan, malaki ang kanyang papel na ginampanan sa himagsikan na siyang naging daan upang makamit ang hinahangad na kalayaan.

Si Mabini ay isinilang sa Brgy. Talaga, Lunsod ng Tanauan noong Hulyo 23, 1864. Kaya’t sa Martes, Hulyo 23, 2019 na deklaradong holiday sa buong lalawigan ng Batangas, ay ika-155 taong anibersaryo ng kapanganakan ng itinuturing na Utak ng Himagsikan.

_____ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW_____




“Apolinario Mabini, or Ka Pule, the sublime Paralytic, is an outstanding icon of the persons with disabilities (PWDs), through his great deeds for the country. People of his kind are worthy citizens whose active role in the nation’s struggle for emancipation from tyranny and discrimination of the past and present day society should be remembered.”

Ang buhay at pakikipaglaban para sa kalayaan ni Gat Apolinario ay isang bukas na aklat, sapagkat siya ay bahagi ng ating kasaysayan.

Muli, ipinaalala sa lahat na hindi dapat kalimutan ang kanyang naiambag sa ating kalayaang tinatama sa kasalukuyan. Ipakilala at ipaalala siya, gayundin ang iba pang bayani ng bansa, sa lahat ng mga kabataang tila hindi na nakakaalam ng kasaysayan.

Ang mga bayani, tulad ni Apolinario Mabini, ay dapat maging inspirasyon ng lahat.

Lalo pa at ngayon ay ipinagdiriwang din ang National Disability Prevention and Rehabilitation Week na ang tema ay “Karapatan at Pribilehiyo ng mga may kapansanan: Isakatuparan at Ipaglaban” na ang focus ay ang fundamental rights and freedom of the PWDs na itinatakda ng mga umiiral na pandaigdigang mandato at batas ng ating bansa.

Si Mabini ay isang PWD, subalit tila mas “malaki pa siya at normal” kesa sa mga taong walang kapansanan dahil sa kanyang kabayanihan.

Kaya ang mga PWDs, igalang natin, huwag maliitin. Sila ay dapat mahalin, at tulungan.


No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.