Editorial July 20, 2019 Naisabatas na ang pagbabawal sa ilang mga uri ng pambabastos sa kababaehan at ito ang nilalaman ng Republic Act...
Editorial
July 20, 2019
Naisabatas na ang pagbabawal sa ilang mga uri ng pambabastos sa kababaehan at ito ang nilalaman ng Republic Act 11313 o tinatawag na “Safe Streets and Public Spaces Act” na naglalayong mahadlangan ang mga pambabastos o sexual harassment sa mga kalsada, pampublikong lugar, sa mga lugar ng trabaho, sa mga eskwelahan o so online o internet.
Isa sa principal author ng naturang batas ay si Senator Risa Hontiveros na anya’y yung panukalang batas ay nag-lapse na at naging batas nang hindi napipirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte pero lumalabas na napirmahan niya ito noong Abril 17 pero isinapubliko lang ng Malacanang noong Hulyo 15.
Ang mga ipinagbabawal at itinuturing na sexual harassment ay ang mga sumusunod: catcalling, wolf-whistling, unwanted invitations, misogynistic, transphobic, homophobic and sexist slurs, persistent uninvited comments or gestures on a person’s appearance, relentless requests for personal details, statement of sexual comments and suggestions, public masturbation or flashing of private parts at groping.
Sa madaling salita, sa wikang Filipino ay bawal na ang panunutsot o paninipol ng mga boys sa mga babae, bawal na ang pangungulit na imbitasyon, mga pahayag na nakasasama sa dangal ng kababaehan o kabaklaan, mga paulit-ulit at makulit na mga pahayag o kilos ukol sa anyo o hitsura ng isang tao, pangungulit na personal na paghiling, mga pahayag na sekswal, pagpapakita at paglalaro ng ari sa publikong lugar at panghihipo.
Isinasaad ng naturang batas na polisiya ng estado na pahalagahan ang dignidad o karangalan ng bawat tao at igarantiya ang ganap na paggalang para sa karapatang pangtao. Kinikilala din ng estado ang papel na ginagampanan ng kababaehan sa pagpapatatag ng bansa at pagkakapantay-pantay ng lalake at babae sa harap ng batas.
Iniaatas sa mga may-ari ng establisemyento na maglagay ng kopya ng naturang batas sa lugar ng trabaho at inaatasan ang Dept. of Labor and Employment na magsagawa ng taunang pag-inspeksyon para tiyakin ang pagsunod ng mga may-ari at manggagawa sa isinasaad ng bagong batas.
May karampatang kaparusahan ang mga paglabag sa nasabing batas at harinawang magbunga sa pagpapahalaga at pagrespeto sa bawat isa lalo na sa kababaehan sa panahon ng administrasyong Duterte.
No comments