July 13, 2019 LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Bilang pakikiisa sa ika apatnapu’t isang taong selebrasyon ng National Disability Prevention and...
LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Bilang pakikiisa sa ika apatnapu’t isang taong selebrasyon ng National Disability Prevention and Rehabilitation Week, isinagawa ang basic disability inclusion seminar sa 4th floor ng Lucena City Government Complex, na kung saan ay tinalakay dito ang iba’t ibang usapin hinggil sa natatanging sektor.
Kaisa ng tema ng aktibidad na Lokal na Pamahalaan: Kabalikat sa pagtupad ng karapatan ng mga taong may kapansanan, naging partisipante dito ang ilan sa mga kawani ng pamahalaang panlungsod na pawang miyembro ng Lucena City Council on Disability Affairs.
Gayundin ang ilan pang mga miyembro ng nasabing konseho na mula sa ilang ahensya ng pamahalaang nasyunal, non-government organizations at mga paaralan sa lungsod na mayroong special education program.
Nakibahagi din sa aktibidad ang ilang mga opisyales ng bawat barangay sa lungsod.Upang pasimulan ang programa, nagbigay ng mensahe ang Officer-in-charge ng City Social Welfare and Development Office na si Malou Maralit na sinundan naman ng Chairperson ng Committee on Social Welfare Services at Vice-chairman ng LCCDA na si Konsehala Atty. Sunshine Abcede-Llaga.
Bilang kinatawan naman ni Mayor Dondon Alcala, dumalo sa seminar si Executive Assistant III Totoy Traqueña at nagbahagi ng isang inspirational message. Sa pagsasakatuparan ng basic disability inclusion seminar, nagsilbing host at resource speaker ang Philippine Red Cross.
Dito ay tinalakay ni Clamrence Raquel Abada, Project coordinator ng Disability Inclusion ng PRC National Headquarter ang kasalukuyang estado ng mga persons with disabilities sa bansa, kanilang mga karapatan at ilang mga tamang pamamaraan ng pag-aaruga at pag-approach sa kanila sa loob ng pamayanan.
Inilahad naman ni Marive Cawa, Welfare Service Officer ng Philippine Redcross Quezon-Lucena Chapter ang ilan sa legal frameworks ng disability inclusion.
Bukod sa kawani ng Redcross, isa rin sa naging tagapagsalita si Dr. Nelson Ravina, kasalukuyang autism Teacher sa New Mexico, USA. Natapos ng matagumpay ang aktibidad at inaasahan na sa tulong nito ay mas mapapalawig pa ang inclusive opportunity para sa lahat lalo’t higit sa mga mamamayang bahagi ng natatanging sektor. (PIO-Lucena/M.A. Minor)
No comments