by Ace Fernandez, Lyndon Gonzales @ La Liga Pilipinas July 20, 2019 Municipal Administrator Engr. Ian Palicpic ng Pagbilao – LGU. PAG...
July 20, 2019
Municipal Administrator Engr. Ian Palicpic ng Pagbilao – LGU. |
PAGBILAO, Quezon – Ang kailangang gawin sa lalong madaling panahon ay mabigyan ng magandang patutunguhan ang pondo ng bayan at patibayin pa ang pundasyon ng pamahalaan sa pamamagitan ng transparent at epektibong pamamahala, ito ang naging pahayag na ibinigay ni Municipal Administrator Engr. Ian Palicpic ng Pagbilao – LGU.
Ayon kay Palicpic, siya at ang kanyang asawang si Mayor Sherrie Anne Portes – Palicpic na kapwa mga milenyals ay maagang natutunan ang mga innovations sa governance dahil sa pagiging pro-active at visionary sa mahahalagang proyekto at programang makapagbigay ng serbisyong epektibo na sumasalamin sa mga magagandang adhikain ng lokal na pamahalaan ng Pagbilao.
Aniya, naka-lay out na ang foundation at nakahanda na umano sa mga bagong investment ang kanilang bayan sa susunod na tatlong taon. Nabanggit ni Palicpic ang kanilang ginawang Comprehensive Land Use Plan – CLUP na isang magandang foundation bilang paghahanda sa mga papasok na investments na magmumula sa iba’t-ibang investors na kilala na sa bansa. Pangunahing nasabi ni Palicpic sa Sentinel Times ang pagpasok ng mga investments ng San Miguel Corporation na ayon sa kanya ay magiging barometro ng kaunlarang ng kanilang bayan maging ng kanilang mga mamamayan.
Aniya, nakapag ground-breaking na ng gagawing Food Hub ang SMC na dito ay nakapaloob ang processing plant, brewery and beverages na matatagpuan sa Brgy. Palsabangon, 3-4 km ang layo mula sa kabayanan ng Pagbilao, Quezon. Meron na ring lugar para sa cement factory ang SMC at kasabay nito ay ang pagpapatayo ng mga hotels, international port ang nasabing conglomerate.
_____ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW_____
Ayon din kay Palicpic, bilyon piso ang halaga ng mga investment na ito kaya naman inaasahan nya na magkakaroon population migration sa kanilang lugar dahil sa job opportunities na maibibigay ng nasabing investments sa karatig-bayan. Sa ganitong punto ika niya ay kakailanganin ang proyektong pabahay ng kanilang pamahalaan at housing projects mula sa private developer upang ma-accommodate ang inaasahang pagdami ng maninirahan sa kanilang lugar. Ito anya ay sa loob ng dalawa (2) hanggang tatlong (3) taon ay inaasahan nila na mangyayari ang mga bagay na ito.
Samantala, naibahagi rin sa Sentinel Times ni Palicpic na dahil sa climate change mitigation isa sa banta ng global warming, kailangang maisiguro ng Pagbilao-LGU ang sustainable at tuloy-tuloy na serbisyo ng tubig para sa mga mamamayan at mga investors. Meron na silang isasagawang mga water impounding area upang pagkunan ng inuming tubig at kasiguruhan ng supply ng tubig sa irigasyon at palayan at maging ang iba pang agri-agro industrial development na kakailanganin ang daloy ng tubig.
Aniya isa sa mga kinu-consider nila ay ang paglo-loan sa bangko upang maipagawa nila ang extension ng LGU building upang mas maayos pa nilang mapagsilbihan ang kanilang mga kababayan. Kanila din daw itataas ang kalidad ng serbisyong pangkalusugan sa paglalagay ng X-ray machine sa kanilang Health Center na bahagi ng kanlang basic services and innovations. Magkakaroon din umano ng extension sa serbisyo ng kanilang Mobile Clinic dahil bukod sa pagdalaw ni Dok sa bahay-bahay sa mga barangay ay magkakaroon na rin ng mobile rehabilitation para sa mga na-stroke at naaksidente na dito ay mga professional thyrapist ang syang magsasagawa ng ganitong serbisyo upang maipadama sa kanila diumano ang malasakit ng serbisyong Palicpic, Naidagdag pa ni Palicpic na sa sektor ng agrikultura ay kanilang tinututukan ang mga magsasaka at mangingisda sa kanilang lugar. Lahat ng teknolohiya ay available sa mga ito galing sa DA at LGU – Pagbilao, kaya nga lang ay di pa rin umano ma-accept ng mga magsasaka ang high breed rice kaya bumabalik umano ang mga ito sa tradisyunal na pagtatanim ng palay ng kung sya umano ang masusunod ay kailangang matutunan ng mga magsasaka ang pag-embrace sa makabagong teknolohiya upang tumaas ang ani at produksyon ng kanilang sektor agrikultura. Siniguro din ni Administrator Palicpic na binabantayan at pinangangalagaan nila ang kanilang karagatan dahil ang mga mangingisda umano ay sa kalawakan ng dagat namamalakaya ang mga ito. Ang aqua-culture naman daw umano ay sa mga may pera lamang ang nakakapagpagawa nito kaya mas pina-iigting nila ang pagbabantay sa kanilang municipal water.
Sa mensahe sinabi ni Administrator Ian Palicpic na Pagbilao-Wins kung ang lahat ay magtutulong-tulong at magkakaisa.

No comments