by Mamerta De Castro July 6, 2019 LUNGSOD NG BATANGAS - May 53 livestock raisers mula sa Brgy. Soro-soro Ilaya sa lungsod na ito ang sum...
July 6, 2019
LUNGSOD NG BATANGAS - May 53 livestock raisers mula sa Brgy. Soro-soro Ilaya sa lungsod na ito ang sumailalim sa Livestock Operation Coaching ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) kamakailan.
Ang mga livestock raisers na ito ay binigyan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng notices dahilan sa pagdaloy ng dumi ng kanilang mga alaga sa Calumpang River na nakapapagdulot ng polusyon sa ilog.
_____ ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW _____
Ayon kay Oliver Gonzales, hepe ng CENRO ito ay tinaguriang E-Compliance Shop at layong makapagbigay ng extension support assistance sa mga nag-aalaga ng manok at baboy upang makakuha sila ng certificate of non-coverage (CNC).
“Nais nating tulungan ang ating mga livestock raisers kaya naglagay tayo ng ganitong programa at inaasahan natin na kapag ito ay nagging maayos,isa ito sa magiging best practice ng lungsod ng Batangas,” ani Gonzales.
Ang CNC ay dokumentong iniisyu ng DENR kung saan sinasabi na ang proposed project ay hindi covered ng Philippine Environmental Impact Assessment System kung kayat ang proponent ay hindi required na kumuha ng Environmental Compliance Certificate o ECC bago simulan ang operasyon.
Hindi kinakailangang kumuha ng ECC kapag ang mga livestock raisers ay may alagang baboy na 100 pababa at manok na 10,000 pababa.

Pagkatapos makakuha ng CNC sa pamamagitan ng online application, babayaran nila ito sa halagang P 1,100 sa Landbank. Ang CNC ay requirement upang makakuha ng discharge permit na isang one-time application.
Sa pakikipagtuwang ng CENRO sa SIDC at Sovereign Shepherd, nakapagset up ng online application para sa mga livestock raisers.
Ayon kay Romiseth Perez ng EMB- PENRO Batangas, natutuwa sila na may ganitong klaseng proyekto ang Batangas City na malaki ang maitutulong upang makapag comply ang mga small operators.
Nakatakdang isagawa ang kaparehong online application sa iba pang mga barangay na maraming residente ang naghahayupan. (BHABY P. DE CASTRO-PIA Batangas)

No comments