Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

EDUKASYUN, DAAN SA KATUPARAN NG PANGARAP-Col. Ramon Guiang, PAF (GSC)

by Ace Fernandez Lyndon Gonzales July 27, 2019 Nasa larawan sina acting commander  Col. Ramon J. Guiang PAF (GSC)  Acting Commander ng ...


by Ace Fernandez
Lyndon Gonzales
July 27, 2019

Nasa larawan sina acting commander

 Col. Ramon J. Guiang PAF (GSC) 
Acting Commander ng Tactical Operations 
Wing Southern Luzon, Col. Gerso 
N. Lopez PAF Deputy Wing 
Commander TOWSL at si Gng. 
Ingrid Palad, Principal ng Ilayang 
Domoit, Lucena City.

CAMP GUILLERMO NAKAR, LUCENA CITY – Muli na namang pinatunayan ng Tactical Operations Wing Southern Luzon na hindi lang sa depensa sa himpapawid ng Southern Luzon Command (SOLCOM) sila maasahan kundi maging sa pagsusulong ng karunungan at pundasyon ng magandang kinabukasan ng mga pilipinong kabataan. 

Kamakailan ay nagsagawa ng Book Donation Activity ang TOWSL na pinangunahan ni Acting Wing Commander COL Ramon J. Guiang, PAF (GSC) ang nasabing okasyon na may temang “HANDOG LIBRO SA KABATAAN PARA SA MAGANDANG KINABUKASAN” at naglalayon ito na makapagbigay ng educational materials sa iba’t-ibang paaralan sa lalawigan. Ang mga aklat ay donated ng Jr. Chamber International (JCI) JCI San Juan Damba Chapter, San Juan Metro Manila. 

Tinanggap ng mga kinatawan ng mga nasabing paaralan ang 2,212 na libro para sa 655 na estudyante. Si Ginang Ingrid Palad, Principal ng Silangang Domoit Elem. School, Lucena City ang tumaggap ng mga aklat para sa kanilang mag-aaral. Si G. Byron Jumawan, Teacher I naman ang kumatawan sa Antipolo Elementary School Sariaya, Quezon at si Gng. Olivia Pesigan, Teacher I, ang tumanggap ng mga aklat para sa mga estudyante ng Lucena National High School – Mayao Castillo Annex, Lucena City. Labis ang pasasalamat ng mga ito sa naturang proyekto ng Tactical Operations Wing Southern Luzon sa ilalim ng pamumuno ni SOLCOM Commander LTGen. Gilbert Gapay.



Sa mensahe ay pinasalamatan ni Col. Ramon Guiang ang mga miyembro ng MEDIA na pumunta sa book donation activity at sinabing mahalga ang collaboration ng TOWSL at ng mga mamamahayag dahil maipaabot umano sa mga mamayan ang mga ganitong mga proyekto.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Aniya, mahalaga ang edukasyon dahil nagiging daan ito umano sa katuparan ng pangarap. Sa panayam ng Sentinel Times sa TOWSL Acting Commander ay sinabi niya na kung hindi nito pinahalagahan ang bilin ng kanyang mga magulang ay hindi niya maabot ang kinaroon niya ngayon. Ang pag-aaral umano ay isang possession na hinding-hindi makukuha ng sinuman. Kailangan din aniya na magpatuloy ang sinuman sa paglinang ng mga bagong kaalaman mula sa mga aklat hanggang sa personal na karanasan upang mas higit pang makapag-ambag ng karunungan sa lipunan at mamamayan.

Samantala, ayon kay Col. Gerso N. Lopez, PAF Deputy Wing Commander ng Tactical Operations Wing Southern Luzon na patuloy ang kanilang paghahanda upang mas higit pang mabantayan ang kalawakan na sakop ng Southern Luzon Command at maging katuwang ng iba pang sangay o units ng Armed Forces of the Philippine (AFP) sa pag-sugpo ng teroristang grupo at insurgency sa kanilang area of responsibility (AOR). Hindi rin anya matatawaran ang kakayanan nila LTC Jonathan B. Castardo PAF, Group Commander at ni LTC Alex L. Dimapilis PAF, Deputy Commander ng Tactical Operations Group 4 (TOG) 4 na ipinakikita ang kanilang galing at liderato sa mga miyembro ng Philippine Air Force sa Southern Luzon Command.

With reports: Ace Fernandez, Lyndon Gonzales @ laliga pilipinas

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.