Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Faye Endaya Barretto, bagong mayor ng Cuenca

by Lolitz Estrellado July 20, 2019 CUENCA, Batangas – Ang bagong punong-bayan ng Cuenca, si Honorable FAYE ENDAYA BARRETTO, ay iniluklo...

by Lolitz Estrellado
July 20, 2019



CUENCA, Batangas – Ang bagong punong-bayan ng Cuenca, si Honorable FAYE ENDAYA BARRETTO, ay iniluklok ng mga Cuenqueños sa posisyong iniwan ng kanyag butihing ama, dating Mayor CELERINO “Lerry” ENDAYA, via a landslide victory nitong nakalipas na May 13, 2019 election.

Ang kanyang mga kababayan ay nagtiwala at naniniwala sa kasabihang “Like father, like daughter” kaya buong pagkakaisa nilang sinuportahan si Mayor Faye. May kakayahan, may talino, edukada, may malasakit sa kapuwa, at nasa sentro ng kanyang buhay ang Diyos si Mayor Faye ay siyang magpapatuloy sa paglilingkod at sa mga programa/adbokasiya ng kanyang ama na namuno sa Cuenca at tumulong sa kanilang mga kababayan sa loob ng bale apat (4) na termino o 12 taon.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Panganay sa tatlong (3) magkakapatid ang 39 taong, gulang na si Mayor Faye na mas batang tingnan kaysa sa tunay na edad ay maitatala sa kasaysayan ng bayan ng Cuenca bilang kauna-unahang babaeng punong bayan at siya pang pinakabata (first lady mayor and the youngest ever).

Sa isang ekslusibong panayam kay Mayor Faye, kanyang sinabi, “Ipagpapatuloy ko po ang mga programa at serbisyo ng tatay ko. Ako naman po ay sanay na sanay, hindi na bago sa larangang ito sapagkat lumaki ako sa piling ng tatay ko, at araw-araw, katuwang din ako sa pagtanggap at pagtulong sa aming mga kababayan kahit po noong bata pa ako.”

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Ayon pa sa kanya, wala naman siyang planong pulitikal, at hindi siya politikong tao, subali’t hiningi ng pagkakataon at marahil ay God’s Will, na siya ang pumalit sa mahusay na ay matino pang si Mayor Lerry na hindi na tumakbo para sana sa kanyang huling termino nitong nakalipas na halalan.

“Sa pamamagitan ko, itutuloy ko po ang mga plano pa at advocacy ng tatay ko. Ayaw ko ng may makakagalit ako, ang gusto ko lang po ay ang tama. Gusto ko na makilala ang Cuenca sa industriya ng turismo, mapaunlad pa ito, at makilala ang mga Cuenqueños bilang mga disiplinadong tao. Ako naman po ay hindi papasok sa isang bagay na hindi ko kaya. At bukas po ang isip ko sa mga suggestion ng ating mga kababayan kung para sa kabutihan ng lahat at pagsulong ng bayan. Kinalakihan ko na po ito sa aking tatay ganoon din po sa aking ina na katuwang din sa pagtulong at paglilingkod,” paliwanag pa ni Mayor Faye.

A teacher by profession, na dapat ay Child psychology sana ang focus, pero napunta siya sa high school, nabanggit din ni Mayor Faye ang goal niya kahit noong bata pa siya na magtayo ng pre-school, “to educate po our children about values.”

Si Mayor Faye ay isa ring butihing maybahay kay Carlmichael Barreto na dating principal sa Cuenca Institute at mayroon silang dalawang (2) anak.

“Kung hindi ko man po malampasan ang nagawa ng tatay ko, sana mapantayan ko man lamang at bukod sa mga programa ng tatay ko, magkakaroon din naman ako ng sariling development plan para sa mga susunod na taon. At kung gusto pa ng ating mga kababayan, sisikapin ko na baka sa second term ay pagtuunan natin ang transformation ng Cuenca mula sa pagiging 4th class to 3rd class municipality. Maraming salamat sa aking mga kababayan na sumuporta at nagtiwala sa akin. Hindi ko po kayo bibiguin sapagkat alam ko, gagabayan ako ng Diyos at ng tatay ko na laging susubaybay, aalalay sa akin at magbibigay ng payo kung kailangan,” patapos na mensahe ni Mayor Faye Endaya Barreto.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.