Editorial July 27, 2019 Good manners and right Conduct sa mga public utility vehicles, uso pa ga sa kasalukuyang panahon? Swert...
July 27, 2019
Good manners and right Conduct sa mga public utility vehicles, uso pa ga sa kasalukuyang panahon?
Swerte ang mayayaman, may mga sariling sasakyan. Pero ang mga ordinaryong tao, empleyado, trabahador at estudyante – araw-araw ay sumasakay sa mga pampublikong sasakyan tulad ng jeepney, bus tricycle. At sila ang nakakaranas ng iba’t ibang “trahedya” ika nga, mula sa driver, konduktor at maging sa mga kapuwa pasahero.
Ang tao, sadyang iba-iba ang ugali, iba-iba ang mga gawi at asal na kinalakihan. May magalang, may bastos, may brusko, may tamad, may walang pakundangan.
Sa pampasaheron jeep na lang, tingnan nyo ang mga karanasang ito. Dalawa lang ang pasahero, parehong nasa may pinto, magkatapat lang sila, nasa dulo pa ang driver. Iyong nasa kanan, una ng 5 minuto sumakay, lumapit agad sa driver at nag-abot ng bayad bago maupo sa may pinto. Nang sumakay ang ikalawang pasahero, naupo sa tapat ng una, dumukot sa bulsa at inabot dito ang P100 sabay sabing, “Bayad ko,”
Ang sagot ng pinag-abutan, “Ayon ang driver sa kanya ka magbayad. Hindi ako konduktor.” Nang may sumakay na pangatlong pasahero, astang mag-aabot sa pangalawa ng bayad, pero nagsalita agad ito, “Ayon ang driver, lumapit ka. Ako nga nag-effort.”
Maya-maya, may pumarang 3 babae at 3 lalaking kabataan, mga estudyante kasi nakauniporme pa.
Ilan lamang ang mga senaryong ito na nagpapakita ng kawalan ng asal at respeto ng tao sa kanyang kapuwa, particular nga, mga pasahero sa pampublikong sasakyan.
Mga walang galang, ni hindi marunong makisuyo at lalong hindi marunong magpasalamat; may mga walang pakialam na sige sa paninigarilyo kahit bawal sa loob ng sasakyan; at mayroon ding kung saan sikip na, doon pa sisiksik eh, mayroon pa namang bakanteng upuan. Mayroon ding subsob sa kaka-text, dedma lang kahit sabihan nang, “pasuyo na po, makikiisod naman.”
“What is happening in this country?” tanong nga ni Ryza Mae Dizon.
Kabutihang asal. Mabuting pakikisalamuha sa kapuwa. Respeto. Concern. Pagsunod sa batas. Saan na napunta ang mga iyan?
Nawala na, nilamon na ng modernong teknolohiya ng komunikasyon, ng mga gadgets at social media.
Maaaring hindi pa naman lahat, may mga tao pa ring may bait sa sarili, may wastong asal at pag-uugali. Sana, huwag silang mahawa sa epidemyang iyan.
At ang mga bata? Sila ang dapat agapan, iligtas sila sa tuluyang pagkapariwara.
Itinuturo pa ba ang GMRC sa mga eskuwelahan? Ang mga basic Filipino traits and Characters, tulad ng pagmamano, po at opo; pagkamasunurin, at iba pa?
Kung hindi na, IBALIK natin ang mga ito sa mga paaralan.
No comments