Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

IBP-Quezon Resolution

Editorial July 13, 2019 Isa umanong resolusyon ang ipinasa ng Integrated Bar of the Phil.-Quezon chapter na naglalayong alisin na ang pu...

Editorial
July 13, 2019



Isa umanong resolusyon ang ipinasa ng Integrated Bar of the Phil.-Quezon chapter na naglalayong alisin na ang publikasyon sa mga lokal na pahayagan ang mga legal at judicial notices at gawin nang Online sa Internet bilang paraan umano ng pagtitipid at pag-agapay na rin sa modernisadong panahon na kahit ang mga nasyunal na pahayagang broadsheet ay may Online Edition na rin.

Mainam naman sana iyan kung hindi magiging banta sa pag-iral ng mga local na pahayagan na nakadepende ang bulto ng pagkita, lalo na iyong mga bagong sibol pa lamang, sa lingguhang pa-raffle ng legal at judicial notices at advertisements sa mga bahay-hukuman. Isa pa, nasa batas naman ang tungkol sa akreditasyon ng mga pahayagan na maglalathala ng mga Judicial at Legal Notices, partikular na ang ipinalabas na En Banc Resolution ng Korte Suprema noong Oct. 16, 2001 na may pamagat na Guidelines in the Accreditation of Newspapers and Periodicals Seeking to Publish Judicial and Legal Notices and Other Similar Announcements and In the Raffle Thereof.

_____ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW_____




Kung kaya ay tunay na nakakapagtaka kung bakit nagpasa naman ng sariling resolusyon ang IBP-Quezon upang balewalain nito ang En Banc Resolution ng Korte Suprema. Sila ang mga eksperto sa pagpapakahulugan at pag-unawa sa wika at salimuot ng mga batas, maaari bang hindi nila alam o nalalaman ang malinaw at payak na ibig sabihin ng naturang En Banc Resolution ng Pinakamataas na Hukuman ng Bansa?

O baka naman tutoo ang siste at sitsit na ang nasabing kapasiyahan ng IBP-Quezon ay ginagamit bilang leverage upang mahadlangan ang ipinipetisyon ng mga local na pahayagan sa pagtataas ng legal at judicial rates. Panahon pa daw kasi ng kopong-kopong ang dating halaga ng legal at judicial notices habang tuloy naman ang pagtaas ng halaga ng mga bilihin at mga bagay na may kinalaman sa paglalathala ng pahayagan – magmula paglilimbag hanggang mga materyales na kailangan upang makapaglabas ng pahayagan na mababasa ng taumbayan.

Sa halip na magbarasuhan ay dapat magtulungan ang dalawang panig ng hudikatura na kasama ang mga kagawad ng batas at ang sektor ng lokal na pamamahayag upang di nakokompromiso ang pangangailangan ng taumbayan sa impormasyon at balita bilang mamamayan ng bansang malaya.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.