by Maribeth R. Eguia July 27, 2019 Ipilan-Alitao Elementary School Tayabas City ...
by Maribeth R. Eguia
July 27, 2019
Ipilan-Alitao Elementary School
Tayabas City
Magandang umaga bati ko sa lahat.
Batang malusog sa inyo’y nakaharap.
Batang may sigla na tila nakaangat,
May ngiti sa labi at di naghihirap.
Ang mahal kong ina ay laging may bilin,
Itong kalusugan ay laging isipin.
Masustansyang pagkain ang ating kainin,
Upang maging malusog at hindi sakitin.
At paggalaw-galaw kahit na antok pa,
Ay gawaing maganda sa tuwi-tuwina,
Upang katawan ay laging masigla.
Kaya mga kaibigan, ako ay pakinggan,
Tanging nais lamang , kayo’y matulungan,
Itong kalusugan tangi nating yaman,
Dapat
mong makamtan at pakaingatan
No comments