by Lolitz Estrellado Jluy 27, 2019 LIPA CITY – Patuloy na tumataas ang bilang ng mga dengue cases sa Cavite-Laguna-Batangas-Rizal-Quezon (...
Jluy 27, 2019
LIPA CITY – Patuloy na tumataas ang bilang ng mga dengue cases sa Cavite-Laguna-Batangas-Rizal-Quezon (CALABARZON) Region IV-A dala ng panahon ng tag-ulan, ayon sa Department of Health (DOH).
Iniulat ng Kagawaran nitong nakalipas na ilang araw na umabot na sa 50 katao ang namatay sa dengue at mahigit sa 13,000 ang nakaratay dahilan sa naturang karamdaman.
Ayon kay DOH CALABARZON Regional Director EDUARDO JANAIRO, “A total of 13,032 dengue cases including 50 deaths were recorded from January to July this year in the region. Dengue is really a potential deadly viral desease, so we are advising the people to be careful and go to the nearest hospital or clinic in the onset of early symptoms.”
Ipinaliwanag pa ni Janairo na ang nasabing bilang ng mga kaso ng dengue ay 26 na prosiyentong mas mataas kaysa sa mga naiulat on the same period noong 2018 na umabot naman sa 10,350.
Dahil dito, muling aktibong pinakilos ng director ang Dengue Task Force sa mga pamahalaang local (LGUs), ganoon din ang mga dengue fast lanes sa lahat ng mga pampubliko (government) at pribadong ospital.
“We will also send disease surveillance officers to investigate and validate reported dengue cases, especially the Dengvaxia vaccinees who have signs and symptoms of said disease,” ayon pa kay Janairo.
Sinabi rin nito na ang DOH ay makikipagkoordinasyon at tutulong sa mga LGUs sa pamamagitan ng Provincial Health Office sa bawa’t probinsya sa pagsasagawa ng anti-dengue campaigns upang maiwasan ang posibleng outbreak.
“We will be prioritizing areas for community-based intervention to control the dengue vector such as areas where there are clustering of dengue cases, occurrence of an outbreak in the past year, recent dengue-related deaths, vector indicators, and presence of cases in schools and hospitals,” Janairo disclosed.
Ayon pa sa kanya, “the DOH regional office will also intensity the health education and awareness campaign against dengue by conducting community assembly, meeting and distribution of information materials.”
Hinikayat din ni Director Janairo ang mga residente ng CALABARZON na maging maingat laban sa dengue at agad na komunsulta sa doctor o health centers sa sandaling makaranas ng mataas na lagnat.
GMRC, hiling ibalik sa curriculum mula K-12
Nais ni Sen. Juan Miguel Zubiri na ibalik ang subject na Good Manners and Right Conduct (GMRC) sa lahat ng levels mula K to 12.
Sinabi ni Zubiri na hindi nakatulong ang pagdowngrade ng nasabing subject tungkol sa kagandahang asal na isinama na lamang sa iba pang subjects kaya nabawasan ang mabubuting mamamayan at namayagpag ang kriminalidad sa lansangan.
Ipinaliwanag kay Zubiri ni Education Secretary Leonor Briones na mayroon namang subject na Values Education mula Grades K hanggang Grade 3 pero mula Grade 4 hanggang 12 ay isinama na lamang ito sa iba pang subjects.
Naniniwala si Zubiri na ang subject na GMRC noong hindi pa ito tinatanggal ang dahilan kaya walang masyadong kriminalidad sa loob at labas ng tahanan.
Dapat anyang dinidisiplina ang mga mamamayan habang mga bata pa lamang upang hindi lumaki na walang respeto at madaling maakit ng iligal na droga at mapasama sa mga masasamang grupo.
Inihalimbawa ni Zubiri ang Singapore at Japan kung san ang disiplina at pagrespeto ay itinuturo sa mga eskuwelahan.
No comments