Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Magsasakang Batangueno, nagsanay sa Inbred at Hybrid Rice Farming

by Mamerta De Castro July 6, 2019 LUNGSOD NG BATANGAS - Nagsagawa ang Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor ng technical briefing tungko...

by Mamerta De Castro
July 6, 2019

LUNGSOD NG BATANGAS - Nagsagawa ang Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor ng technical briefing tungkol sa implementasyon ng Model Farms for Hybrid and Inbred Rice kamakailan.

Ito ay nilahukan ng mga magsasakang mula sa iba’t-ibang bayan kabilang ang Calatagan, Nasugbu, Lian, Balayan, Lobo, Ibaan, Rosario, Padre Garcia at San Juan.

_____ ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW _____




Ang programa ay isang extension intervention companion na layong makamtan hindi lamang ng lalawigan kundi ng buong bansa ang kasapatan sa bigas, pagkakaroon ng mga makabagong uri ng teknolohiya sa pagsasaka, maituro ang tamang agricultural practices sa pagtatanim ng mga binhing palay. at maitaas ang kalidad ng produksyon ng palay gayundin ang kita ng mga magsasaka.

Itinampok sa technical briefing ang mga paksang tulad ng paggamit ng Rice Crop Manager (RCM), Palay Check at Package of Technology para sa Hybrid rice.

Target ng Model Farm na magkaroon ng ani para sa Hybrid na hindi bababa sa 6 metriko tonelada ng palay na mayroon lamang cost of production na Php 9.00 kada kilo para sa wet season at 7.5 metriko tonelada na nagkakahalaga ng Php 7.00 kada kilo para naman sa dry season. Sa inbred, 5.5 metriko tonelada na may katumbas na Php 9.00 kada kilo sa wet season, habang 6 metriko tonelada naman para sa Php 7.00 kada kilo na cost of production sa dry season.

Samantala, ang proyekto na Inbred at Hybrid Rice Model Farming ay nagsimula noong wet season ng nakaraang taong 2018 at magpapatuloy hanggang dry season ng taong 2023 o katumbas ng rice plantings ng March 16, 2018 hanggang March 15, 2023. (Bhaby P. De Castro-PIA Batangas)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.