Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Mga taga-Lucena, hinikayat na magkaroon ng kaalaman at kagamitan sa DRRM

by Ruel Orinday July 20, 2019 LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Hinikayat ni Lucena City Disaster Risk Reduction and Management Officer Janet Gen...

by Ruel Orinday
July 20, 2019

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Hinikayat ni Lucena City Disaster Risk Reduction and Management Officer Janet Gendrano ang mga mga opisyal ng barangay at mga residente ng lungsod ng Lucena na maging handa at magkaroon ng sapat na kaalaman kung ano ang mga dapat gawin kapag may mga dumarating na kalamidad sa lungsod ng Lucena.

Sa idinaos na ‘kapihan sa PIA’ sa Pacific Mall activity center sa lungsod ng Lucena kamakailan, sinabi ni Gendrano na ang Lucena City Disaster Risk Reduction and Management Office (LCRRMO) ay may kumpletong kagamitan na maaaring gamitin pagdating sa disaster operation.

Ang LCDRRMO ay may motorized banca, rescue vehicle, ambulance, WASAR equipment, mga kagamitan sa vehicular accident at iba pang kagamitan na kailangan sa pagliligtas ng buhay ng tao kapag may mga dumarating na kalamidad sa lungsod ng Lucena, sabi pa ni Gendrano.

Hinikayat din ng LCDRRMO ang mga residente ng lungsod na magkaroon ng mga sariling kagamitan sa sa bahay sa paglaban sa kalamidad kagaya halimbawa ng lubid, flashlight, transistor radio at iba pang mga kagamitan sa pagpapatibay ng mga bahay lalo na sa mga mabababang lugar na malimit bahain.

Ayon sa LCDRRMO, kabilang naman sa mga barangay na mabababa at malimit bahain ay ang barangay 11, Market View Subdivision, Barangay Gulang-Gulang at Ibabang Dupay.

Kaugnay nito, nananawagan naman si Bong Mata ng LDRRMO sa mga taga barangay na malimit bahain kapag may bagyo na lumikas na kaagad kapag may paparating na bagyo upang hindi maapektuhan ng anumang sakuna kagaya ng pagkalunod at iba pa.

“May pondo din na P57M ngayong taong ito ang LDRRMO kung saan ang 30 porsyento nito ay maaaring gamitin sa oras ng kalamidad o disaster operation samantalang ang 70 porsyento ay nakalaan sa mga pagsasanay o disaster preparedness, disaster response at recovery,” ayon naman kay Gendrano.

Ang kapihan sa PIA ay isinagawa ng Philippine Information Agency- Quezon kaugnay sa taunang pag-obserba ng National Disaster Resilience Month ngayong buwan ng Hulyo 2019. (Ruel Orinday, PIA-Quezon)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.