by Mamerta De Castro July 20, 2019 LUNGSOD NG BATANGAS - Binigyang-pagkilala ang mga natatanging paaralan at ospital na may kahandaan sa pa...
July 20, 2019
LUNGSOD NG BATANGAS - Binigyang-pagkilala ang mga natatanging paaralan at ospital na may kahandaan sa panahon ng kalamidad sa lalawigan ng Batangas sa isinagawang joint meeting ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), Provincial Peace and Order Council (PPOC), Provincial Anti-Drug Abuse Council (PADAC), Provincial Development Council (PDC) at Provincial School Board (PSB) sa Bulwagang Batangan sa lungsod na ito kamakailan.
Ang naturang pagkilala ay nakasaad sa ilalim ng taonang "Gawad Kalasag Search for Excellence in Disaster Risk Reduction and Management and Humanitarian Assistance" ng national government na pinagtibay naman ng pamahalaang lokal sa pamamgitan ng pagkakaroon nila ng Gawad Kalasag-provincial level.
Ayon kay Joselito Castro, pinuno ng PDRRMO, ang pagsasagawa ng Provincial Gawad Kalasag ay upang kilalanin ang pagbibigay-halaga ng mga paaralan at ospital sa pagpapaigting ng kanilang kaalaman at kasanayan sa pagdating ng kalamidad.
“Isinusulong po natin sa ating lalawigan na dapat ay lahat ng Batangueno ay matutunan ang pagiging handa dahil hindi natin masasabi kung kalian may darating na kalamidad, natutuwa po kami sa mga paaralan at ospital na ito dahil talagang sinerseryoso nila ang pagkikintal ng kaalaman sa kanilang mga guro, mag-aaral, empleyado at maging sa mga pasyente. Mayroon po tayong Gawad Kalasag na ang nagbibigay pagkilala naman ay ang Office of the Civil Defense at ang Batangas Province po ay awardee na dito kaya’t nais nating maibaba ito sa ating mga kababayan,” ani Castro.
Kinilala ang mga sumusunod bilang Best Early Learning Center: 1st- SoroSoro Ibaba Child Development Center, 2nd- Ilijan St. Michael Child Development Center at 3rd- San Jose Sico Child Development Center; Best Primary School ang Inicbulan Elementary School na nakuha ang unang puwesto sinundan ng Balayan East Elementary School at Caloocan Elementary School/ Bulacnin Elementary School na nag-tie sa ikatlong puwesto; Best Secondary School ang Calubcub National High School, Natalia Ramos Memorial national High School at Bauan Technical High School.
Kinilala naming Best Higher Education ang Batangas State University na may malawak at maayos na disaster management plan at Best Hospital Category ang Batangas Medical Center.
Alinsabay nito, binigyang-pagkilala naman ng Department of Interior and Local Government (DILG)-Batangas ang mga kasapi ng Technical Working Group (TWG) ng Provincial Gawad Kalasag sa kanilang dedikasyon upang pag-aralan at bisitahin ang mga nasabing kalahok. (BHABY P. DE CASTRO-PIA BATANGAS)

No comments