July 6, 2019 LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Matagumpay na isinagawa ang panunumpa ng mga bago at muling nahalal na opisyales ng lungsod ng Lu...
LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Matagumpay na isinagawa ang panunumpa ng mga bago at muling nahalal na opisyales ng lungsod ng Lucena kamakailan.
Ginanap ang naturang aktibidad na ito sa Queen Margarette Hotel na kung saan ay dinaluhan rin ito ng mga pamilya ng mga nanumpang konsehal, bise-alkalde at alkalde ng lungsod.
Present rin sa nabanggit na okasyon ang ilang mga kapitan ng barangay at mga kagawad nito, mga SK Chairmen at women, ilang mga department heads ng pamahalaang panlungsod, mga kinatawan mula sa DepEd-Lucena, mga negosyante sa lungsod at marami pang iba.
Pinangunahan ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala ang mga nanumpang opisyales bilang muling nahalal na punong lungsod para sa ikatlo at huling termino nito kasama si Vice-mayor Philip Castillo.
Habang binubuo naman ng mga muling nahalal na konsehal ng Lucena sina Senior City Councilor Anacleto Alcala III, Atty. Sunshine Abcede-Llaga, at Manong Nick Pedro.
Kabilang naman sa mga bagong halal na councilor ang nagbabalik na sina Engr. Danny Faller at Americo “Amer” Lacerna, ang anak ni dating konsehal William Noche na si Engr. Wilbert McKinley Noche, ang anak ni dating konsehal Benny Brizuela na si Benito “Baste” Brizuela Jr., at ang bago sa grupo ng Team Bagong Lucena na si Engr. Jose Christian Ona.
Nagsimula ang naturang aktibidad sa pamamagitan ng isang misa ng pasasalamat na pinangunahan nina Bishop Mel Rey Uy at Bishop Emeritus Emilio Marquez kasama sina Msgr. Dennis Imperial kasma ang ilang mga kaparian.
Matapos ang isinagawang misa, isinunod na dito ang prgrama ng panunumpa sa mga nabanggit na opisyales.
Nagbigay ng kani-kanilang talumpati ang mga nahalal na konsehal ng Lucena na kung saan ay ipinahatid nito ang kanilang pasasalamat sa lahat ng tumulong sa kanila.
Sa naging talumpati naman ni Mayor Dondon Alcala, lubos nitong pinasalamatan ang lahat ng mga sumuporta at muling nagtiwala sa kaniya upang maglikod para sa kaniyang ikatlong termino.
Muling binalikan rin ng punong lungsod ang kaniyang mga naranasan sa panahon ng kampanyahan na kung saan ay lubos nitong pinasalamatan ang kaniyang maybahay na si Mam Maggie Alcala at ang mga anak nitong sina Mark, Donne Marie at Gracielle Alcala sa paggabay at pagtulong sa kaniya.
Ayon kay Mayor Alcala ang kaniyang buong pamilya ang halos nangampanya sa kaniya na kung saan ay ang mga ito ang nagsasalita sa ilang mga caucus ng Team bagong Lucena at ang nagtutungo sa ilang mga barangay upang magsagawa ng house-to-house campaign.
Lubos ring pinasalamatan ng alkalde ang lahat ng mga kapitan at mga barangay kagawad sa Lucena sa ginawang pagtulong at pagsuporta nito sa kaniya.
Sa huli ay ipinahayag ni mayor Dondon Alca ana mas lalo pa niyang pagbubutihin at pag-iibayuhin ang kaniyang paglilingkod sa lungsod ng Lucena upang mas lalo pa itong maging maunlad.
At matapos na makapaghatid ng kaniyang mensahe, pormal nang isinagawa ang panunumpa ng mga nasabing opisyales na kung saan ay pinangunahan ito ni Judge Joselito Tamaray.
Umalingawngaw naman ang malakas na palakpakan mula sa lahat ng dumalo dito nang matapos ang panunumpa ng mga naturang opisyales.
Ang nasabing aktibidad ay isang hudyat na pormal nang mag-uumpisa ang tungkulin ng mga bago at muling nahalal na opisyales ng lungsod ng Lucena na kung saan ay inihayag naman ng mga ito na kanilang pagbubutihin ang iniatang na responsibilidad sa kanila ng taumbayan. (PIO Lucena/ R. Lim)
No comments