Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Pag-iwas sa teen pregnancy tema ng poster making contest

July 13, 2019 BATANGAS CITY - Ipinagdiwang ng Popultion Division ng City Health Ofice ang World Population Day, July 11, sa pamamagitan ...

July 13, 2019



BATANGAS CITY - Ipinagdiwang ng Popultion Division ng City Health Ofice ang World Population Day, July 11, sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Poster Making contest na nilahukan ng may 13 high school students mula sa mga pubic schools sa lungsod sa temang ”Ang Pag-aaral ay para sa Hinaharap, Huwag Ipagpalit sa Sandaling Sarap”.

Ang patimpalak na ginanap sa Function Hall ng Batangas National High School ay naglalayong mapalawak ang awareness ng mga kabataan na iwasan ang teen pregnancy at sa halip ay pagtuunan ng pansin ang pag-aaral upang magkaroon ng magandang kinabukasan.

Ang lumalaking bilang ng teen pregnancy ang isa sa mga dahilan ng paglobo ng populasyon

_____ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW_____




Ayon kay City Health Officer Rosanna Barrion, “ang aktibidad na ito ay bahagi ng pagsusulong upang magsilbing avenue para matulungan natin ang lungsod sa pagpapaganda ng mga programa para sa mga adolescents.”
Patuloy din silang makikipagtulungan sa mga barangay na maipaabot ang lahat nilang programa sa mga kabataan.

Binati naman ni Marlyn Ugaya, assistant regional director ng Population Commission Region IV- A ang Popcom Division dahil ang Batangas City lamang ang may Sustaining Population Office, Barangay Service Point Officers (BSPO) Association at Population Management Program sa buong rehiyon.

Naging batayan sa pagpili ng nanalo sa patimpalak ay ang creativity and presentation, originality, relevance to the theme at color harmony.
Nanalo ng first place si Jordan Chavez ng Sto Nino National High School, second si Shrine Alexie Prulla ng Balete Integrated School at third si Charmagne Calvara ng Libjo National High School. Tumanggap din sila ng cash prize na mula P2, 000-P4, 000.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.