July 6, 2019 Si Newly Elected Governor Hon.Danilo E.Suarez kasama Ang buong Sangguniang Panlalawigan sa pangunguna ni Vice Gov.Sam B. ...
July 6, 2019
|
Si Newly Elected Governor Hon.Danilo E.Suarez kasama Ang buong Sangguniang Panlalawigan sa pangunguna ni Vice Gov.Sam B. Nantes photo by: Sentinel Times News Correspondent. |
QUEZON PROVINCIAL CONVENTION CENTER, LUCENA CITY - “Hinding-hindi mabibigo sa pangako ng magandang bukas ang ating mga kababayan lalo na ang mga kabataan at magtiwala tayo sa ating kakayanan, dahil sa pagkakaisa, tuloy-tuloy ang pag-unland ng probinsiya”… ito ang mga katagang panghahawakan ng mga mamayan ng lalawigan mulay kay newly elected Governor Danilo Suarez.
Aniya, may mga pagkakataon na kailangang bumalik sa pinagmulan dahil sa kabila umano ng kanyang tagumpay ay hindi niya malilimutan ang lalawigan. Sa pagbabalik tanaw sa kwento ng kanyang buhay, sinabi ni Governor Danny Suarez na…”mahirap maging mahirap, nagbenta ako ng dyaryo houseboy sa hotel at naglilinis ako ng inidoro” sabay pabirong sinabi niya na amoy ko pa aniya hanggang ngayon. Sa pagpapatuloy ng kanyang kwento ay sinabi niya na nagre-repacked noon ng otap at danggit itong si Congw. Aleta Suarez na siya naman umano ay nagsisimula ng isang maliit na negosyo na lumaki at umunlad ito at sa tulong ng pagpapala ng Maykapal ay napag-aral ko ang aking mga anak”.
Ang mga kwentong ito ay sumasalamin sa payak na buhay at pinagmulan ng ama ng lalawigan at sa pagkakataong ito na siya na ang Gobernador ay kitang-kita sa kanyang mga salita ang mga pangarap na gusto niyang matupad para sa kanyang minamahal na kababayan.
Aniya, ipagpapatuloy niya ang mga proyektong nasimulan ni dating Governor at ngayon ay 2nd District Congressman David “Jayjay” Suarez, kasabay ng mga inubasyon sa mga programa at pagtalima sa mga pangangailangan ng mga kalalawigan.
Samantala sa ginawang unang session ng Sangguniang Panlalawigan kung saan ay panauhin si Governor Danilo Suarez ay nangako ang mga miyembro ng SP na makikipagtulungan sila at susuporta sa lahat ng programa at proyekto ng ehikutibo na ayon nga kay re-elected BM Romano Talaga ay kailangang maging active, cohesive ang mga members ng SP para sa patuloy na pag-unland at alisin ang political partisanship dahil ang pag-unland umano ay nangangailangan ng commitment at pagkakaisa.
Ayon kay BM Jet Suarez ay greatest congressman of Quezon ang kanyang ama, Governor Danilo Suarez at sa pamumuno umano ng kaniyang kapatid na si Congressman elect David “Jayjay” Suarez ay masasabing ito ang renaissance ng Quezon Province at sa panahon ng kanyang ama ay nasa Golden Age na ang lalawigan.
“Dapat umanong magampanan ang mandato ng taong bayan”, ito ang isnabi ni newly elected Board Member Reynante Arogancia ng ikatlong distrito.
Ayon kay BM Isaiah Ubana, Majority Floor Leader ay utang niya umano sa kanyang mga kadistrito ang paglilingkod na ito.
Ang manatiling tapat sa tungkulin ang pangako ni BM Rhodora Tan ng ikaapat na distrito at saludo umano siya kay Congressman elect David Suarez. Masarap umanong mapabilang sa Sangguniang Panlalawigan kahit na sa maikling panahon lamang, ito ang sinabi ni acting PCL President Allan Sales. Pasasalamat naman sa gabay ng mga kasamahan sa Sanggunian ang wika ni SK Federation President Irish Armando. Aniya, umaasa siya na sana ay may mga bagong aral at kaalaman na matutunan sa mga bago at dati ng miyembro ng Panlalawigang Konseho. Nangako rin si BM Armando na susuportahan nya ang agenda ng Gobernador.
Susuportahan naman ni PPLB President at Ex-Officio Board Member Ireneo Boyong Boongaling ang mga proyekto at adhikain ni Governor Danny Suarez at umasa umano ang lahat sa maka-Diyos at makataong panglilingkod.
Si re-elected BM Alona Obispo ay nangako na itutuloy ang kanyang mga adbokasiya at susuporta sa lahat ng programa ng executive department ng panlalawigang pamahalaan.
Nagpasalamat din si BM Obispo sa mga naniwala at sumuporta sa kanya mula sa mga mamamayan ng unang distrito at siniguro niya makakaasa ang mga ito ng iang tapat at epektibong lingkod ng bayan.
“Sana ay maging mas open ang ating bagong samahan at hiniling ni re-elected BM Beth Sio ng ikalawang distrito ang respect and fairness sa mga kasamahan sa Sanggunian.
Si BM Jerry Talaga ay sinabi na itutuloy nya ang magandang serbisyong kanyang sinimulan samantalang si newly elected BM Yna Liwanag ay nagpasalamat naman sa pamilya Suarez sa kanilang suporta at paniniwala sa kanyang kakayanan at sinabi pa niya na ang kanilang mga anak ang isa sa mga inspirasyon at nangako na susuporthan ang programa ni newly elected Governor Danilo Suarez at Congressman elect Jayjay Suarez.
Si Vice Governor Sam Nantes ay nagpasalamat din kina Governor Suarez at sinabi na marami siya umanong natutunan sa mga kasamahan sa Sangguniang Panlalawigan at umaasa si Vice Governor Nantes na maibibigay nito ang nararapat na paglilingkod sa bayan.
Ayon pa kay Nantes, patuloy na makaaagapay ang Sangguniang Panalalawigan sa serbisyong ibibigay ng team Suarez at Nantes at mananatili ika nya ang magandang samahan ng legislative at executive branch ng Provincial Government at ipinangako na sa loob ng panunungkulan ni Gov. Danilo Suarez ay hindi sasakit ang kanyang ulo dahil kapag hindi umano maganda ang samahan ang dalawang sangay ng pamahalaan ay hindi rin makapagbibigay ng serbisyo ang lokal na gobyerno sa taong bayan.
Sa huli ay sinabi ni Governor elect Danilo Suarez na “dapat ay kalimutan na natin na hindi tayo magkakasama noong nakalipas na election at sama-sama nating gawin ang makabubuti sa lalawigan”. With Reports: Ace Fernandez, Lyndon Gonzales at La Liga Pilpinas
No comments