Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Sand Quarrying itinuturong dahilan ng pagkasira ng baybayin ng Brgy. Guis-guis San Roque sa Sariaya, Quezon

by Jay Silva Lim, Tanggol Kalikasan July 6, 2019 Baybayin ng Brgy. Guis-guis San Roque sa Sariaya, Quezon na pinuntahan ng Tanggol Kali...

by Jay Silva Lim, Tanggol Kalikasan
July 6, 2019

Baybayin ng Brgy. Guis-guis San Roque sa Sariaya, Quezon na pinuntahan ng Tanggol Kalikasan dahil sa sumbong ng mga naninirahan dito na ang malaking bahagi ng baybayin nila kung saan ang mismong tinitirikan ng kanilang mga tahanan ay nanganganib ng maabot at lamunin ng tubig dagat dahil sa talamak na Iligal na Sand Quarrying.

SARIAYA, QUEZON - Talamak na Iligal na Sand Quarrying itinuturong dahilan ng pagkasira ng baybayin ng Brgy. Guis-guis San Roque sa Sariaya, Quezon.

Alas 5:00 ng umaga pinuntahan ng Tanggol Kalikasan ang baybayin ng Brgy. Guis-guis San Roque, Sariaya, Quezon dahil sa sumbong ng mga naninirahan dito na ang malaking bahagi ng baybayin nila kung saan ang mismong tinitirikan ng kanilang mga tahanan ay nanganganib ng maabot at lamunin ng tubig dagat.

Pag dating ng grupo sa nasabing lugar, 4 na mga bahay na ang nasira dahil sa pagtaas ng tubig dagat ganon din ang nasa 6 na puno ng niyog ang natumba na dahil sa nasabing pagtaas ng tubig ng dagat at lakas ng alon. Maging ang Sun Paradise beach resort na dating malayo sa dagat ay nawasak ang mga cottages at bakod.

Ayon kay Arnold Carandang residente sa nasabing lugar “ngayon lang ito nangyari sa amin na unang bugso pa lamang ng habagat, hindi pa nabagyo ay tumaas na ang tubig at may nasira ng bahayan dito sa amin kasama po ang lugar pangitlugan dito ng pawikan at ang paradahan ng aming mga bangka ay nawala na rin.” at ayon naman kay Francisco Gonzalbo, Chairman MFARMC ng Sariaya “ang pangunahing dahilan po nito ay ang patuloy na pagsa sand quarrying dito sa aming lugar, matagal na po namin itong sinusumbong sa kinauukulan sa DENR, BFAR at sa barangay at munisipyo simula pa sa mga naunang nanunungkulan ay hindi pa rin po natutugunan ang usapin.”

_____ ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW _____




Matapos ang aming panayam tinungo naman namin ang lugar na sinasabing sina sand quarrying. Agad na bumungad sa amin ang grupo ng mga kalalakihang naghuhukay ng buhangin sa bunganga ng ilog sa nasabing lugar at nagsisimula pa lamang magkarga nito sa kanilang bangkang galbanisado o bakal. Sinita namin at kinausap ang grupo tinanong namin kung meron sila permit ngunit sinagot kami ng mga ito na si Boyet Cendeño ang boss nila na mismong naninirahan din sa Brgy. Guis-guis San Roque,Sariaya at yon daw ang aming kausapin. Pinaliwanag naming bawal ang kanilang ginagawa at maari namin silang hulihin. Agad namang humingi ng paumanhin ang mga ito nagpaalam at hindi na ikinarga ang mga buhanging naipon nila.

Malaki ang perwisyo ng patuloy ng iligal na pagkuha nila ng buhangin dito sa aming lugar nagkakandasira na po ang aming baybayin at nadadamay na ang aming mga bahay at maging ang paradahan ng aming mga bangkang pangisda na siya namin kabuhayan kaya nanawagan po kami sa kinauukulan na tulungan kami at tugunan ang usaping ito sa lalong madaling panahon ayon kay Arnold Carandang.

Ang usapin ng iligal na Sand quarrying na ito ay paulit-ulit na lamang at ngayon ay nararamdaman na ng mga tao ang takot sa maaring kapahamakang idudulot nito sa kanilang pamayanan, sa kalikasan at sa samu’t saring buhay lalo pa nga at ang lugar ay kilalang paboritong pangitlugan ng mga pawikan.

Ang Tanggol Kalikasan ay kinukundina ang iligal na Sand quarrying na ito at nanawagan sa lokal na pamahalaan, at iba pang kinauukulan lalo pa nga sa BFAR at DENR na aksyunan na at tuldukan ang nasabing usapin bago pa ito magdulot ng mas malaking sakuna at kapahakan ng mga mamamayan.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.