Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

SSS nagsagawa ng ikalawang RACE operation sa Batangas

by Mamerta De CastroPublished July 20, 2019 LUNGSOD NG BATANGAS -Isinagawa ng Social Security System (SSS) ang ikalawang Run After Contr...

by Mamerta De CastroPublished
July 20, 2019

LUNGSOD NG BATANGAS -Isinagawa ng Social Security System (SSS) ang ikalawang Run After Contribution Evaders (RACE) operation sa mga bayan ng Bauan at San Pascual noong ika-9 ng Hulyo.

Pinangunahan ni SSS President at Chief Executive Officer Aurora C. Ignacio ang paglalagay ng Show Cause Orders sa 11 establisimento.

"Ginagawa namin ang ganitong akitibidad upang matulungan ang mga empleyado na makakuha ng tamang benepisyo para sa kanila. Sa ulat ng SSS Batangas sa kabuuang bilang na 2,304 na establisimyento sa bayan ng Bauan, nasa 34% lamang ang rehistrado sa SSS kaya’t napili nating dito gawin ang ating kampanya. Kailangan nating kausapin ang mga employers at ipaalala ang kanilang obligasyon gayundin ang mga empleyado na ipaalam ang kanilang karapatan na mahulugan ang kanilang membership upang magamit nila pagdating ng panahon sakaling may magkasakit,manganak o mamatay sa kanila,” ani Ignacio.

_____ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW_____




Kabilang sa mga establisimento na nabigyan ng Show Cause Order ang mga susumusunod: Potato Giant-Bauan; St. Anastacia Clinical Laboratory, E-Life Hypermarket, Prestige Foods Enterprise at 1168 General Merchandise dahil sa hindi pagrerehistro ng kanilang negosyo sa SSS. Ang Brandscope Fashion House Inc., 4 J’s R, Kyongmin Silver Corp, Auto Sonix Watch Store at Andrea’s Balut corner naman ay dahilan sa under-reporting ng mga empleyado at non-remittance of contribution na umaabot sa mahigit P77K.

Samantala ang M 4 Construction and Maintenance Services, isang construction firm na matatagpuan sa bayan ng San Pascual ay inisyuhan din ng Show Cause Order dahilan sa non-remittance ng principal contribution na umaabot sa P280K.

Ayon sa mga opisyal ng SSS, ang lahat ng mga nabigyan ng Show Cause Order ay kailangang tumugon sa loob ng 15 araw. Bukod pa dito,hinihikayat din silang mag-aplay ng Contribution Penalty Condonation Program upang mabayaran ang kanilang delingkwenteng accounts at hindi na kailangang bayaran ang penalty dahilan sa pagliban sa pagbabayad sa contribution.

Bago ang pagsasagawa ng aktibidad ay nag-courtesy call ang pamunuan ng SSS kay Bauan Mayor Ryanh Dolor kung saan ipinahayag nito ang suporta sa ginagawa ng pamunuan ng SSS. Nag-alok din ito ng space para sa paglalagay ng SSS ng satellite office sa local na pamahalaan.

Alinsabay nito, isang one-day SSS Information campaign ang isinagawa sa bisinidad ng munisipyo kung saan lahat ng mga nagnanais magmiyembro ay maaaring mag-aplay o kaya ay ang mga miyembro na nais mag-update o may mga katanungan ukol sa kanilang membership ay maaaring pumunta at magtanong. (BHABY P. DE CASTRO-PIA BATANGAS)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.