Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

20 nagtapos sa 3rd Batch ng DTI Kapatid Mentor ME Program

by Mamerta De Castro August 3, 2019 LUNGSOD NG LIPA, BATANGAS - Nagtapos ang ikatlong batch ng graduates ng Kapatid Mentor Micro Enterpr...

by Mamerta De Castro
August 3, 2019

LUNGSOD NG LIPA, BATANGAS - Nagtapos ang ikatlong batch ng graduates ng Kapatid Mentor Micro Enterprise (KMME) Program ng Department of Trade and Industry-(DTI) Batangas sa Angelos Kitchen, Blue Sapphire Bldg. sa lungsod na ito kamakailan.

Ayon kay Marissa Argente, Assistant Regional Director-DTI Calabarzon , ang 20 graduates ay sumailalim sa iba’t-ibang modules kung saan may mga mentors na nagbibigay kaalaman at nagtuturo sa kanila upang mas mapaganda at maiangat ang kanilang mga produkto at serbisyo.

“Natutuwa ang aming tanggapan dahil eto at may 20 nagtapos na naman sa ilalim ng KMME program, hangad namin na mas marami pang Batanguenong micro small and medium enterprises ang maging bahagi ng programa at maisulong ang pagkakaroon ng mas maunlad na negosyo sa pamamagitan ng kaalaman mula sa mga eksperto,” ani Argente.

Nagbigay naman ng inspirational message si Mark Timothy Pagaduan, Philippine Center for Entrepreneurship (PCE) Certified mentor kung saan binigyang diin niya na dapat ay ipagpatuloy ng isang indibidwal kung ano ang hilig dahil wala sa edad o posisyon ang kanyang ikatatagumpay. Sinabi pa nito na ang pagkabigo ay bahagi ng tagumpay ng isang tao at walang tao na naging matagumpay na hindi dumaan sa mga pagsubok.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Ayon kay Ednyl Esguerra na mula rin sa PCE may anim na bagay siyang nais ipaalala sa mga nagtapos sa programa, dapat ay may pride, skills, passion, direction, belief at action. Kapag napagsama sama ito ay hindi malayong maging matagumpay ang isang negosyante dahil ang isinusulong nito ay ang kanyang ninanais. Aniya, dapat ang negosyo ay mayroong value upang mas magkaroon ng tagumpay.

Nagbahagi naman ng kanyang testimonial ang isa sa mga graduates na si Florisa Panganiban mula sa Quinlan Enterprises kung saan ang kanilang produkto ay lambanog.

“Nagsimula po kami sa maliit na negosyo lang hanggang sa magkaroon kami ng mga contacts at dumami ang aming mga suki pero dumating din po sa panahon na nagkaroon ng malaking dagok sa aming negosyo lalo na noong mangyari ang isang insidente sa Laguna na nakaapekto ng malaki sa industriya ng mga naglalambanog, parang pinanghihinaan po kami ng loob pero patuloy ang pagkapit namin sa Panginoon, nagpapasalamat din kami na may DTI at malaking tulong sa amin ang mga kaalaman na ibinibigay nila sa amin."

"Sa atin pong mga negosyante walang kalugar-lugar ang pagsuko, dapat po laban lang tayo kahit alam nating lugi tayo kelangan nating laging lumaban dahil kung hindi wala mangyayari sa atin, walang puwang ang takot sa atin dapat laging kapag pinabayaan nating ito ay manaig, hindi natin makakamit ang hinahangad nating tagumpay,” ani Panganiban.

Matapos ito ay iginawad ng DTI Batangas ang sertipiko na nagpapatunay na natapos ng 20 mentees/graduates ang kanilang curriculum. (BHABY P. DE CASTRO-PIA BATANGAS)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.