EDITORYAL August 17, 2019 Ang Agosto ay Buwan ng Wikang Pambansa, ayon sa Proklamasyon Blg. 1041, S. 1997. Ipadiwang natin ang Filipi...
August 17, 2019
Ang Agosto ay Buwan ng Wikang Pambansa, ayon sa Proklamasyon Blg. 1041, S. 1997. Ipadiwang natin ang Filipino, Wika ng Karunungan.
Taon-taon, tuwing Agosto ay ipinapaalala sa atin ito. Subalit pagkalipas ng buwang ito, limot na naman ang lahat.
Sa paglipas ng panahon na sadyang napakabilis pa naman, kasabay na nagbabago ang kabihasnan dala ng mga nadidiskubreng modernong teknolohiya. Sa kasalukyang, alam na ng lahat na ang namamayani ay ang social media na nagagamit sa mabuti at masama.
Ang nakakalungkot pa, pati salita o wika, naapektuhan din. Maraming salita ang mga kabataan na sila lang ang nakakaunawa, at hindi na mahagip ng mga matatanda.
Kadalasan pa nga, mga salitang kalye na sa tradisyunal ay masama ang kahulugan, pero sa modernong mundo ng social media at netizens (saan daw diksyunaryo galing ang netizen?) ay wala lang, okay lang.
Ang sariling wika ay tatak ng kakanyahan at kasarinlan ng isang bansa. Ang Ama ng Wikang Pambansa, dating Pangulo at statesman, Manuel Luis Quezon, ay nagsikap noon upang mapalaganap ang Filipino.
Ang pambansang bayani, Dr. Jose Rizal ay nagsabi, "Ang hindi magmahal sa sariling wika ay mahigit pa sa hayup at malansang isda."
Sana, pag-isipan natin ito. Ang sariling wika ay pagyamanin payabungin at gamitin sa lahat ng uri at antas ng komunikasyon.
Hindi masamang mag-aral at matuto ng ibang wika partikular ang Ingles (English) sapagkat ito ay itinuturing na isang international/global link, subalit kapag naman nasa bansa at kapuwa Pinoy ang Kausap ay gamitin ang matinong wikang Filipino.
Tepok, dedbol, tsugi.
Waswit, watiwat, jowa.
Iyan at marami pag ibang salita ang nauso at ginagamit kahit sa pag-uulat sa mga pahayagan na walang kawawaan at hindi naman maituturing na dala ng pag-unlad.
Sana lang, bumalik tayo sa basics - gamitin ay ang tunay na wikang Filipino - wagas at dalisay, madaling unawain.
No comments