Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Clean Up Drive ng Tiaong LGU, una sa lalawigan

by Sentinel Times News Team August 3, 2019 Gitna EA, Chief of Staff Roderick Ramos,kaliwa ABC President of Tiaong Quezon Hon.Crisologo ...

by Sentinel Times News Team
August 3, 2019

Gitna EA, Chief of Staff Roderick Ramos,kaliwa ABC President of Tiaong Quezon Hon.Crisologo Preza. Photos by:Sentinel Times news team.

TIAONG, Quezon – Alinsunod sa kautusan ni President Rodrigo Roa Duterte sa mga local Chief executives na linisin ang mga kalsada sa kanilang nasasakupan ay agad na tumalima si Mayor Ramon Preza ng Tiaong, Quezon.

Binuo niya ang isang task force upang tuparin ang tagubilin ng pangulo. Ang task force ay kinabibilangan ng Office of The Municipal Mayor, Municipal Engineering Office, Municipal Local Government Officer na syang kumakatawan sa Department of Interior and Local Government-DILG, Bureau of Fire and Protection at Philippine National Police, Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) Association of Barangay Chairman sa pangunguna ni Barangay Chairman Crisologo Preza ng Brgy. Lusacan, Tiaong, Quezon at iba pang sangay ng lokal na pamahalaan.

Ayon kay LGU Chief of staff at Executive Assistant Roderick Ramos na syang kumatawan kay Mayor Ramon Preza ay sinabi nito na ang pagtalima sa kautusan ng Pangulong Duterte ay mahalagang magampanan ng local na pamahalaan.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Aniya, ang kalsada ay “beyond the commerce of men” kaya kinakailangan umano na maalis ang anumang sagabal na magiging sanhi ng aksidente at traffic sa mga lansangan at ito rin diumano ay pagpapakita ng isang maayos na pamamahala ng local na gobyerno sa kanilang mga mamamayan.

Ang Tiaong Quezon ang unang bayan sa lalawigan mula sa boundary ng Laguna at nakita ang potential nito sa mga investments simula ng pinamunuan ni Mayor Ramon Preza ang noon ay parang natutulog na municipalidad. Sa obserbasyon ng marami ay unti-unti ng nagbubunga ang mga innovation sa governance ng punong bayan na pangunahin dito ay ang isinulong na economic reforms at maging investments driver economy ang bayan ng Tiaong, Quezon.

Samantala, ayon kay ABC President Crisogono Preza ng Barangay Lusacan kung saan sya ay Barangay Chairman dito ay kinukonsidera na most progressive na barangay sa Tiaong Quezon ang naturang barangay dahil sa dami ng negosyo at establisyemento na nakatayo sa kanilang lugar.

Aniya, titiyakin nya na sa mga susunod na mga araw ay mawawala ang lahat ng mga estrakturang nakaharang at sumakop sa kalsada at publikong lugar. May anim (6) na barangay din umano ang nasa kahabaan ng Maharlika Highway na kanila rin lilinisin sa mga obstruction.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.