Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Dapat lang!

Editorial August 10, 2019 Simula pa noong Hulyo 2017, bawal na ang paggamit ng cellphones o anu mang gadget sa komunikasyon habang...

Editorial
August 10, 2019



Simula pa noong Hulyo 2017, bawal na ang paggamit ng cellphones o anu mang gadget sa komunikasyon habang nagmamaneho o kahit na nakahinto sa traffic light at habang naglalakad.

Ito ay dahilan sa ADDA, ang Anti-Distracted Driving Act na naging epektibo pa noong Hulyo 6, 2017 matapos rebisahin at malathala sa pahayagan ang binuong Implementing Rules and Regulations (IRR). Dahil dito, hindi na maaaring gumamit ng mobile phone ang motorista habang nasa kalye siya at nagmamaneho o kahit nga naka hinto sa stop light at habang naglalakad ang commuters.

Papayagan lamang kung pansamantalang paparada sa gilid ng kalsada ang driver o kung may emergency calls at gagamit ng hands-free. Sa dashboard ng kanilang mga sasakyan. Ang pasaway na drayber na lalabag sa itinatadhana ng IRR sa ilalim ng Republic Act No. 10913 0 ADDA ay papatawan ng multang P5,000 sa unang paglabag; P10,000 na multa para sa pangala wang paglabag; P15,000 multa sa ikatlong paglabag kasabay ang supensyon ng lisensya sa loob ng tatlong buwan; at P20,000 para sa ikaapat na paglabag at pagbawi - ng driver’s license. Ang ADDA ay itinaguyod ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board, Land Transportation Office at DOTr dahil sa lumalala at tumataas na bilang ng mga nagaganap na aksidente sa kalsada sanhi ng paggamit ng electronic at mobile devices habang nagmamaneho

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Napapanahon ang batas na ADDA. Sa daming mga aksidenteng nagaganap sa kalye, iyang pagtitext at pagtawag sa cellphones kahit hagmamaneho ay isa sa mga pangunahing dahilan.

Dahil abala sa kakatext, hindi na alam kung babangga na o makakabangga. Ang dami-dami pa namang mga pasaway na motorista ngayon, mga siga ng kalye na akala mo sila ang may-ari ng mga ito. Sana lang, higpitan ang pagpapatupad nito, walang pipiliin, walang sasantuhin, at walang pulitikahan. At sana, turuan ng self-defense ang mga traffic enforcers na kadalasan ay binu-bully ng mga, motoristang sinisita nila kapag may violation.

Kawala naman sila.

Mayroon nang binaril at napatay; may nabugbog at nasugatan; may nakaladkad ng sasakyan dahil lamang tumupad sila sa kanilang Tungkulin na. Panahon na para putulan ng sungay ang mga pasaway na motorista. Gamitin na ang kamay na bakal sa pagpapatupad ng batas, na DAPAT LANG NAMAN para sila ay matuto.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.