by Ace Fernandez@STW Regional News Bureau August 24, 2019 Nasa larawan sina POC Research Analyst Art Brian Rubio-DILG Reg.4A,Col.Gerso...
August 24, 2019
LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Naging panauhin kamakailan si G. Art Brian G. Rubio, POC RESEACH ANALYST ng DILG REGION 4A CALABARZON sa ginanap na Usapang Pangkapayapaan, Usapang Pangkaunlaran-UP-UP Southern Luzon ng Philippine Air Force/TOG4, Southern Luzon Command, Camp Guillermo Nakar,Lucena City.
Ayon kay Rubio, sa ilalim ng E-CLIP program ay may kagyat na makakatanggap ng halagang 15,000.00 ang isang former rebel matapos na sya ay sumuko sa pamahalaan.
Aniya, bukod sa matatanggap na P50,000.00 pesos para sa livelihood assistance ng kanilang pamilya ay bibigyan ng training sa TESDA ang mga FMRR’s upang magkaroon ng skills ang mga ito at makapagsimula ng bagong buhay sa kanilang ginawang pagbalik sa mainstream ng lipunan. Isa pang mahalagang bahagi ng E-CLIP matapos na ang mga dating NPA ay makapag enrolled at mapa-process ay wala na silang aalalahanin sa gastusin dahil ang recieving unit sa AFP may nakalaang pondo sa bawat isang FMRR’s na nagakakahalaga ng P21,000.00 pesos mula sa Department of Interior and Local Government dagdag pa ni Rubio.
___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___
Sa pagbabalik loob ng mga nasabing mga rebelde ay aayusin din ang kanilang mga birth certificate maging ng kanilang mga anak at iba pang mga kakailanganing documento para makapag enroll sila sa PhilHealth at sa schoolarship ng mga bata. Bahagi rin ng E-CLIP program ay ang pagkakaroon ng halfway houses sa bawat probinsya na titirahan pansamantala upang maisiguro ang kanilang seguridad.
Dito aniya ay naipapadama sa mga dating rebelde na nandito ang gobyernong totoong nagmamalasakit sa kanila.Sa kasalukuyan ay may 108 ng rebel returnees batay sa record ng DILG at 58 dito ay nabigyan na ng assistance at 31 sa kanila ay tumanggap na ng entitlement sa housing mula sa National Housing Authority. Nang tanungin si POC Rubio kung ano ang programa sa mga bata ng E-CLIP ay winika nito na sa ilalim ng Executive Order No.70 ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Ang lahat ng Cabinet Secretary ay may assignment ng E- CLIP sa bawat region upang syang magtiyak na ang programa ay naipatutupad.
Aniya, ang mga batang musmus pa ang edad kadalasan ay tinuturuan ng paglalaro at pakikisalamuha subalit kapag ang isang bata ay anak ng NPA ay tinuturuan na agad di umano ang mga ito papaano ang paghawak ng baril. Kaya sa programang re-integration ay katuwang aniya ang DSWD upang siguruhin ang magandang kinabukasan ng mga batang anak ng mga dating rebelde ayon pa kay Art Rubio na sinabi rin na sa bawat probinsya anya ay mayroong Joint Armed Forces of the Philippines-Philippine National Police Intillegence Committee na syang mag- i-evaluate at pabilisin ang proseso hanggang sa sila umano ay mabigyan ng certificate ng JAPIC sa mga nagbabalik loob na mga meyembro ng CPP-NDF-NPA sa pamahalaan.
Sa pagpapatuloy ay sinabi ni POC Research Analyst Art Rubio na may option ang mga gustong magbalik loob na NPA kung sino sa mga cluster memebers ng E-CLIP sa probinsya na kanilang mas higit na pinagtitiwalaan tulad ng DSWD, DILG, AFP, PNP at LGU’s.
Aniya, dapat ay walang kasong kinasasangkutan ang isang NPA na gustong sumailalim sa progama ng E-CLIP kung saan ay wala pa umanong malinaw na guidelines ang JAPIC sa mga rebeldeng may kasong kinakaharap sa korte. Nilinaw din ni Rubio na kung sino diumano ang highest official sa AFP Unit, DSWD at LGU sa probinsya ay sila ang maga-assess sa rebel returnee/s at tatagal ito umano ng dalawang linggo matapos na ang mga ito ay ma-check ang background sa data base ng JAPIC.
Samantala, sa nauna ng pahayag ni LTGEN. Gilbert Gapay, ang kasalukuyang Southern Luzon Command Chief, kailangang mabigyan ng aksyun at solusyon ng gobyerno ang kahirapang nagiging ugat ng insurgency sa bansa. Ang mga isyu tulad ng health condition, poverty rate, income, at ang unemployment that we wanted to address. “May mga mahihirap tayong mga kababayan sa laylayan ng lipunan na hindi mapakain ng mga magulang ng tatlong beses sa maghapon ang kanilang mga anak dahil sa kahirapan.At kapag nakarating na ang mga basic at social services duon sa mahihirap na pamayanan with the desired impact and sustainability. I think, it will solved the problem of insurgency.”

No comments